Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Makulit na ulan, mamamayagpag!

Dulot ng hanging habagat sa bansa, na pinalakas ng bagyong ‘Karen’, ay makakaranas ng malalakas na ulan ang Cordillera Administrative Region at probinsya ng Quirino, Nueva Ecija at Aurora.  Samantala, nitong mga nakaraang araw ay nakaranas naman ang Kalakhang Maynila ng pagbaha. Ilang daanan sa Metro Manila ay hindi madaanan dahil sa ulat ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na hanggang gulong ng mga sasakyan ang lalim ng baha. Sa kabilang dako, mayroong isang lalaki ang natagpuang patay sa San Mateo, Rizal dahil sa pagkalunod sa baha at sa Laguna naman ay pinutol muna ang daloy ng kuryente dahil sa pag-apaw ng Laguna de Bay na sanhi ng pagbaha sa lugar. (Philippine Daily Inquirer)