Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Anti-Islam na video, hindi haharangin

Sa kabila ng kaharasang sinapit ng isang American consulate sa US Embassy sa Libya, biglang kumakalat ang isang video na anti-Islam sa Internet. Ang video na ito ay patungkol kay Propetang Muhammad kung saan siya ay ipinalabas bilang babaero at nangmo-molestya ng bata. Bagamat wala pang hakbang na ginagawa ang pamahalaan, naglabas ito ng pahayag na hindi nito mahaharang ang pagkalat ng video dahil ito ay diumanong freedom of expression. Para kay Presidential Spokesperson Abigail Valte, maraming videos sa Internet ay pawang freedom of expression. Ang isang video ay maaaring nakakasakit sa ibang sektor ngunit sa iba naman ay hindi. Kaugnay naman sa pagkamatay ng American consulate sa Libya, hinigpitan ng pulisya ang seguridad sa US Embassy sa Maynila. Pinalibutan ng itim na harang ang embahada at nagkaroon ng mga lookout posts ang mga guwardiya hawak-hawak ang mga binoculars. (Philippine Daily Inquirer)