Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Maki Mi

Ang Maki Mi ay isang lutuing Pinoy na pork tenderloin noodle soup na mula sa malambot na parte ng baboy at pinukpok ng meat tenderizer, ibinabad sa soy sauce, bawang, paminta, rice wine at sibuyas at binalutan ng harina at iniluto sa tapioca starch para lumapot ang sabaw.

Sangkap:

  • lamian o ramen noodles, lutuin ayon sa packet instructions
  • 500 g pork tenderloin, hiwaing manipis
  • 4 pirasong dried shiitake mushrooms
  • 4 tasang beef stock
  • 1 tasang mainit na tubig
  • 1/2 tasang tapioca starch
    soy sauce
  • 2 egg yolks (pula ng itlog)
  • 2 kutsarang Chinese cooking wine
  • 1 kutsarang light soy sauce
  • 3 kutsarang cornstarch
  • 1/2 kutsaritang baking soda
  • 2 pirasong bawang, pitpitin at hiwaing maliliit
  • spring onions, tadtarin
  • asin
  • paminta

Paraan:

1. Gamit ang meat tenderizer o kahit likod ng kutsilyo, pukpukin ang baboy para lumambot ito. Ang layunin nito ay para mas dumikit ang starch sa karne.
2. Paghaluin sa isang mangkok ang light soy sauce, Chinese cooking wine, bawang, baking soda, asin at paminta. Ilagay ang hiniwang pork at ihalo sa mixture na ito at itabi sa loob ng 30 minuto.
3. Ilagay ang bawat piraso ng hiniwang pork sa plato, lagyan o sprinkle ng cornstarch ang magkabilang side ng pork.
4. I-rehydrate ang shiitake mushrooms sa 1 tasang mainit na tubig. Kapag lumambot na ang mushroom at na-rehydrate na, hiwain at itabi.
5. Ilagay ang tubig na pinagbabaran ng mushrooms sa isang kaserola, ilagay din ang beef stock, tinadtad na mushrooms at soy sauce para sa kulay. Pakuluin at habang kumukulo ay ilagay isa’t isa ang baboy.
6. Kanawin ang tapioca starch sa 1/2 tasang tubig at ibuhos na paunti-unti sa sabaw gamit ang kutsara at kapag medyo malapot na ang sabaw, hinaan na ang apoy.
7. Ilagay ang itlog at haluin para mag-form ng parang hair strands.
8. Idagdag ang sesame oil at lasahan ng asin kung kinakailangan.
9. Ilagay ang lutong noodles sa mangkok o bowl at ibuhos ang maki soup at ilagay ang spring onion sa ibabaw.

Recipe from www.angsarap.net