Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Miscellaneous

IT Industry in Japan

Hindi maikakaila na sa makabagong panahon lalo na sa IT field ay maraming kumpanya ang naglabasan at nagkukumpitensiya sa kung sino ang mas magaling at mahusay. The more the merrier ika nga. Ang pagbabasehan na lamang ay kung sino sa mga kumpanyang ito ang nakakapag-deliver ng mas mahusay na serbisyo sa tao. Dominated ng international companies ang mga popular na kumpanya sa Japan.

Narito ang listahan ng mga kumpanya;

Line Corp – Japan-based company na nagde-develop ng apps para sa smartphones. Ito ay ni-launch noong 2011 at ang LINE app ay lumaki at ito ay naging global na ginagamit na ng 230 bansa. Ang service nito ay para sa users na makatawag at makapag-text ng libre sa kapwa LINE app users sa loob at labas ng Japan kahit anong klaseng mobile network pa ang gamit ng user basta ang Line app ang gagamitin ay pwede ito.
Industry: Internet
Office: Tokyo

Cisco– Isang multinational technology company na galing U.S. na nagde-develop, nagma-manufacture at nagbebenta ng networking hardware at mga gamit pang telecommunication. Marami silang subsidiaries na ang specialization ay target-in ang specific tech market kasama na ang tinatawag na Internet of Things and cyber security.
Industry: Computer networking
Offices: Fukuoka, Hiroshima, Nagoya, Osaka, Sapporo, Sendai and Tokyo

Accenture– Nagbibigay ng serbisyo sa mga negosyo tulad ng istratehiya, consultancy, digital at technology. Ang subsidiary arm ng kumpanya sa bansang Japan ay itinayo noong 1995 at ngayon ay mayroon nang 3 opisina at may isang innovation hub para sa developers na ang tinatrabaho naman ay ang kanilang digital solution.
Industry: Information technology and services
Offices: Fukuoka, Osaka and Tokyo

SAP– Galing German ang tech company na ito na ini-launch nila noong 1992 at mula noon ay naging matatag at nakilala na sa mundo ng tech industry. Sila ay nagpo-provide ng computer software sa mga lokal na businesses at industry. Dalubhasa sila sa field ng internet of things, financial software, at cloud and data platforms, at iba pa.
Industry: Computer software
Offices: Fukuoka, Nagoya, Osaka and Tokyo

IBM– Multinational information technology company na ini-launch noong 1911 sa New York. Simula noon ay napalawig na nila ang kanilang technology business sa 170 bansa sa buong mundo kasama ang Japan na na-establish naman noong 1937. Matatawag nating ang IBM ay isa sa tinitingalang information technology company dahil na rin sa tagal nila sa industriya.
Industry: Information technology and services
Offices: Fukuoka, Nagoya, Osaka and Sendai

• Salesforce– Cloud-based software company at ang Japan ay kanilang subsidiary kung saan kumukuha sila ng mga empleyado mula sa sales at customer service sa finance, legal at HR. Ini-launch din nila ang $100 million Japan Trailblazer Fund upang makaakit ng entrepreneur at mag-invest.
Industry: Internet
Office: Tokyo

Oracle– U.S.-born multinational computer technology na may opisina sa mahigit na 120 bansa sa buong mundo at nagde-develop sila ng database software at technology, cloud engineered systems, at enterprise software products. Ang oracle sa ngayon ay pangatlo sa pinakamalaking software maker, ang Microsoft at Alphabet ay ang una at pangalawang mga kumpanya na tinitingala sa buong mundo.
Industry: Information technology and services
Office: Tokyo

Rakuten– Ipinagmamalaking internet company na base sa Japan. Initayo bilang internet retailer noong 1997 at simula noon ay lumago na at pinakamalaking e-commerce company sa Japan na may mahigit sa 10,000 empleyado at partners sa buong mundo. Major investor din sila ng Lyft at App Acorns.
Industry: Internet
Offices: Chiba, Fukuoka, Hiroshima, Kagoshima, Kanazawa, Kobe, Kyoto, Matsumoto, Matsuyama, Morioka, Nagoya, Naha, Osaka, Niigata, Saitama, Sapporo, Sendai, Shizuoka, Tokyo and Yokohama

Google– Ang Japan ay isa sa mahalagang component ng pagiging successful ng Google when it comes to strategy. Nagsimula sila sa Japan noong 2001 bilang kauna-unahang international office nito.
Industry: Internet
Offices: Osaka and Tokyo

Amazon– Nangunguna sa listahan ng LinkedIn sa Japan bilang successful na kumpanya. Ang kanilang mobile shopping service, search operations at consumer experience ang ipinagmamalaki ng Amazon. Ang development center ng Amazon sa Tokyo ay nagbibigay ng lugar para sa kanilang mga empleyado na ma-enhance ang kanilang technical skills at makapag-develop ng bagong business ideas.
Industry: Internet
Office: Tokyo

Bukod sa pagiging successful ng internet companies na ito ay mayroon ding ibang IT companies na nagtuturo at nagre-recruit.

DODA -Isang career support service agency na pinatatakbo ng Persol Career, ang pinakamalaking career transition support sa industriya. Mahigit sa 100,000 ang kanilang job postings kasama na rin ang non-disclosed o mga company internal job openings. Sa tulong ng kanilang career advisors, ini-introduce nila sa job seekers kung alin at saan position ang nararapat ayon sa kanilang job preference. Bukod sa training ay nagooffer din ang DODA ng support para makatulong makapaghanap ng trabaho ang jobseekers kasama na ang application documents at job interviews at maging ang salary negotiation.
Website: https://doda.jp/

Recruits– Isang staffing agency na nagpo-provide ng support sa jobseekers na makahanap ng maayos na trabaho sa Japan bilang temporary hanggang sa makuha sila bilang full time permanent employees.
Website: https://recruit-holdings.com/

Type– Isang website kung saan naka-post ang iba’t ibang job positions para sa jobseekers.
Website: https://type.jp/