Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Miscellaneous

Maibabalik sa “Balik Normal”

Hindi na halos makapaghintay ang lahat ng tao na bumalik sa normal ang kanilang buhay. Sino ba naman ang hindi mag-aasam ng balik-normal na buhay?
Unahan ang iba’t ibang bansa sa pagtuklas ng gamot laban sa Covid-19 virus. Mayroon mang pang-emergency na bakuna ay hindi pa rin yun ang lunas. Hindi natin alam kung kelan, pwedeng ngayong taon o sa susunod na taon pa.
At habang nagsusunog ng kilay at nagbubuhos ng dugo at pawis para makatuklas ng bakuna ang mga eksperto mula sa iba’t ibang bansa, ang tanging tulong na ating magagawa ay ang sumunod sa health protocols para maiwasan ang pagkalat pa ng iba’t ibang variant ng covid-19.

Nakikita na natin ang unti-unting pagbabago dahil may mga bansa nang bumabalik unti-unti sa normal. Sa US, may isang pamilya na nabakunahan na at feel nila ang unti-unting pagbabago ng kanilang buhay.
Pero anila, dapat pa ring mag-ingat dahil hindi man sila tamaan ng covid ay baka sila na ang maging carrier nito dahil nga may bakuna na sila.
May mga experts na nagbibigay tulong sa mga tao kung paanong gagawin patungo sa pagbabalik normal ng kanilang buhay.

1.  Kung ikaw ay magse-set ng sarili mong expectations, hindi ka masyadong madi-disappoint.
Syempre sa ngayon ay paranoid ka pa rin dahil hindi pa naman talaga tapos ang pandemya. May mga cases pa rin ng virus sa paligid mo kaya hindi mo alam kung ano ang gagawin. Kung may bumabang kaso man sa ibang lugar ay unpredictable pa rin ang sitwasyon.
Kahit ikaw ay nabakunahan na, sundin pa rin ang regulations ng ahensiya ng gobyerno. Magsuot ng face mask at face shield, maghugas ng kamay, gumamit ng sanitizer o alcohol at panatilihin ang social distancing. Lagi mong tandaan, kung anumang anxiety ang nararamdaman mo, yan ay natural lamang dahil ikaw ay nabubuhay sa isang hindi natural na sitwasyon.

Sa ibang bansa, may mga dine-in na at hindi required ang mask. Sa Pilipinas ay hindi pa pwede. Isipin na lang natin, mas malaki ang espasyo sa US kumpara sa espasyo sa Pilipinas kaya may kakayahan ang lahat ng restaurants nila na maglagay ng face mask not required sa kanilang pader.

2. Hindi porket unti-unting nagbubukas ang lahat ng businesses at feel ng lahat na unti-unti na ring bumabalik sa normal ay kakalimutan mo na ang mga values mo. Dapat ay mas naintindhan mo na ang risk na magkasakit ng matindi dahil hindi healthy ang isang tao. Ang panatilihing malusog ang iyong pangangatawan at panatilihing malakas ang immune system ay malaki ang maitutulong upang maiwasang magsakit. Iwasan mo ang mga unhealthy lifestyle bago pa mag-pandemic. Yakapin ang mas healthy outlook sa buhay.

3.
Karamihan sa mga tao ay nakaranas ng anxiety at depression. Ito ay bunsod na rin ng ating nararanasang Pandemic. Ang strict lockdown at Enhanced Community Quarantine ay hindi talaga nakatulong sa ating mental state. Maibabalik natin ang ating dating gawain, more cautious and healthy way. Ito ay upang maalis ang negative moods na ating nararanasan at mas mabuting gumawa ng mga aktibidades na magbibigay satisfaction sa atin. Para sa iba, sila ay nage-engage sa mas masaya at productive na activities para maiwasang ang mga negative feelings.

4. Sa mga taong fully vaccinated na, pwede mo na ring sabihin na unti-unti nang bumabalik ang normal na buhay para sa yo. Gumawa ng mas productive na gawain upang makatulong sa ibang tao na naroon pa rin ang emotional health issues. Alamin kung paano makako-contribute sa inyong komunidad para matulungan ang mga taong nangngailangan ng tulong.

Nakita nating lahat ang Covid-19 ang nagpatigil ng buhay ng tao na kung ating babalikan ang nakaraang taon, mas gugustuhin nating laktawan ang panahon na ito ng ating buhay. Ang pagkakatuklas ng emergency vaccines ay malaking tulong sa ating lahat. Dahil dito ay unti-unti nang nagkakaroon ng liwanag kung saan patungo ang ating kinabukasan.
Ang hinihintay na lamang ng mga tao ay ang pagtatapos ng pandemya at pagkakapuksa ng covid-19 virus.

Lagi nating tandaan, ang virus ay pwedeng mawala pero ang Covid-19 ay mananatili sa ating puso at isipan.