Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Miscellaneous

Bakunado (Fully Vaccinated)

When You’ve Been Fully Vaccinated

NOTE: Inirerekomenda ng CDC na ang mga mahihina ang immune system na magpabakuna (booster shot) laban sa Covid-19 pagkatapos ng dalawang naunang bakuna. Ang mabilis na pagkalat na naman ng Delta variant ng Covid ay hindi biro kaya upang matigil pa ang pagkalat ay nagpaalala na ang mga kinauukulan na gawin at sundin ang nararapat para matigil na ang pagdami pa ng kaso ng covid. Para sa karagdagang kaalaman ay pumunta sa site ng CDC para alamin ang kung ano pang updates sa covid-19 at Covid vaccines.

Ligtas na Aktibidades Para sa Iyo at Iyong Pamilya

Kung ikaw ay bakunado (fully vaccinated) na, pwede nang makisali sa mga safe activities na tulad ng dati mong ginagawa bago pa mag-pandemic. At para ma-maximize ang proteksyon laban sa Delta variant at mapigilan ang pagkalat nito, ang pagsusuot ng face mask sa loob ng isang pampublikong gusali lalo pa’t kung maraming tao. Ang pagsusuot ng face mask ay mahalaga lalo na kung ang iyong immune system ay mahina o kung may existing medical conditions ka, ikaw ay kasama sa high risk na mahawa ng virus na ito. Or kung hindi man ikaw, maaaring isa sa loob ng tahanan ninyo ay mahina ang katawan o hindi pa nabakunahan.
Kung magkagayon man, mas mabuting gawin ang dobleng pag-iingat dahil baka ito ang pagsimulan ng pagkalat ng virus sa loob ng tahanan. At kung ikaw o sinoman sa inyo ay hindi pa nabakunahan, sundin ang nararapat na utos ng gobyerno. Magpabakuna.

Lagi nating tandaan na ang COVID-19 vaccines ay epektibo upang magkaroon ng proteksyon ang ating katawan na magkasakit ng malubha. Base na rin sa ulat, ang mga taong nabakunahan na, nung tinamaan sila ng covid virus ay hindi nila naramdaman halos ang bagsik na dala ng virus na ito sa kanilang katawan. Kumbaga, sila ay naging asymptomatic.

Narito ang ilang rekomendasyon na maaaring makatulong sa iyong desisyon sa pang-araw -araw na gawain pagkatapos ninyong mabakunahan. Paalala lamang, hindi natin intensyon na pangunahan ang healthcare settings para sa mga bakunado.

Fully Vaccinated

Ito ang tanong ng mga nabakunahan na ng dalawang beses. Sa pangkalahatan, kinokonsiderang fully vaccinated ang isang tao kapag sila ay nabakunahan ng ikalawang beses (sa 2-dose series) at maghintay ng 2 linggo para sa mga bakunang Pfizer o Moderna at maghintay rin ng 2 linggo pagkatapos ng isang bakuna mula sa Janssen (Johnson & Johnson) vaccine. Habang hindi mo pa nakukuha ang ikalawang dose ng bakuna ay hindi ka pa considered fully vaccinated. Kaya kahit nabakunahan ka na ng unang dose ay mag-ingat ka pa rin dahil pwedeng mahina pa rin ang iyong immune system para labanan ang covid virus.

Kung ikaw ay may existing condition at ang mga gamot na iyong iniinom ay nagpapahina ng inyong immune system, hindi ka pa rin protektado ng husto kahit pa kumpleto na ang dose ng iyong bakuna. Ipagpatuloy mo ang pag-iingat na tulad sa ginagawa ng mga taong hindi bakunado. Sumangguni sa iyong healthcare provider kung ano ang nararapat gawin.

What You Can Do

  • Maaari mong ipagpatuloy ang iyong regular activities bago pa mag-pandemic.
  • Para maiwasang mahawa o makahawa, mas mabuting magsuot ng face mask sa loob ng isang area kung saan mas mataas ang rate ng transmission o hawahan.
  • Kung ikaw ay maglalakbay sa ibang bansa, mas mabuting alamin muna ang kanilang regulasyon ukol sa covid -19 para maging safe.
  • Kadalasan sa bawat bansa ay may restrictions at protocol sila na dapat sundin ng mga travelers, ang paga-isolate.

What We Know

  • Para sa mga ilang hindi pa nag babakuna, dapat ay malaman nila na ligtas at effective ang Covid-19 vaccines. Ang vaccines na ito ang makakatulong upang maiwasan ang pagkalat ng naturang virus at napipigilan din nito ang pagkakaroon ng severe illness na kadalasan ay humahantong sa kamatayan.
  • May mga taong nai-infect pa rin ng covid virus pero hindi ganung kalala lalo pa’t kung sila ay nabakunahan na.
  • As of this writing, dahil sa pagkakaroon na naman ng surge ng Delta variant sa iba’t ibang bansa, nagbigay naman ng babala sa mga taong may weakened immune system kasama na ang mga umiinom ng immunosuppressive medications. Maaari pa ring silang tamaan ng covid-19 na baka maging mabagsik pa rin ito sa kanila kahit nabakunahan na sila. Kaya nag-anunsiyo ang CDC at ilang drug companies lalo na ang Moderna at Pfizer na bigyan ng ikatlong dose ang mga taong may mahinang immune system.

Ang mga guidance na aming naisulat ay mababasa sa site ng WHO (World Health Organization).

Laging tandaan, huwag matakot sa bakuna. Huwag maniwala sa mga fake news na kumakalat na ang bakuna ay nagbibigay ng matinding adverse effects. Noong kasagsagan ng Pandemya noong nakaraang taon at nakitang maraming taong nasawi dahil sa covid-19 virus, ang pharmaceutical companies ng iba’t ibang bansa ay nagtulong-tulong upang makagawa ng pang-emergency na bakuna para mapigilan ang pagkalat ng virus na sa kasalukuyan ay nagmu-mutate sa iba’t ibang porma na lalong nakakahawa pero patuloy pa rin ang pagtuklas ng bakuna na talagang makakapigil o magbibigay “cure” laban sa covid-19.