Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Magic 12, Nai-Proklama na

Naging masaya at mapayapa ang ginawang proklamasyon ng 12 nanalong senador ng Comelec.  Umuulan man ay hindi nagging hadlang upang maging lively ang paligid lalo pa nung isa-isa nang dumarating ang mga nanalong senador.  Ang mga bagong halal na senador ay mga re-electionists, bagong halal, mga returnees

Kasama ang kani-kanilang pamilya (5 katao sa bawat nanalong senador ang pwedeng isama) bilang pagtupad ng Comelec sa health protocols.

Inimbitahan din ang Pangulong Duterte at Pangalawang Pangulo Leni Robredo subalit nagpadala na lamang ng representative si Pangulong Duterte sa pamamagitan ni Senator Bong Go at si VP Leni naman ay hindi nakadalo dahil nasa Amerika ito para sa graduation ng kanyang anak.

Naging matiwasay naman ang pagdaraos at matapos iproklama ang bawat kandidato ay binigyan ito ng pagkakataon upang magbigay ng kani-kanilang tig 2 minutong speech.

Ang mga i-prinoklamang bagong senador para sa 2022 ay sina Robin Padilla, Loren Legarda, Raffy Tulfo, Sherwin Gatchalian, Chiz Escudero, Mark Villar,  Alan Peter Cayetano, Juan Miguel Zubiri, Joel Villanueva, JV Estrada Ejercito, Risa Hontiveros at Jinggoy Estrada.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *