Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Longest-Running daytime drama ng 2016 na “Doble Kara”, palaban ang pagtatapos

Matapos ang higit sa isang taong pag-ere ng “Doble Kara,” nananatili pa ring nag-iisang Daytime Drama Queen sa telebisyon si Julia Montes kaya naman lubos ang pasasalamat niya sa mga taong tumutok at hindi bumitaw sa kuwento ng serye.

“Araw-araw ninyo akong pinatuloy sa inyong mga tahanan. Umaapaw ang aking pasasalamat sa mga alaala at mga taong nakilala ko,” sabi ni Julia. “Maraming salamat po sa inyo dahil ipinadama ninyong hindi ako nag-iisa at isang pamilya tayo.”

Mula pa noong Agosto 2015, ang “Doble Kara” na ang siyang kumukumpleto sa hapon ng mga manonood. Naging mainit ang pagtanggap ng mga manonood sa serye, kaya naman naging consistent top rater ito at hindi natinag sa pamamayagpag sa ratings sa buong bansa. Sa katunayan, nagtala ang serye noong nakaraang taon ng all-time high national TV rating na 21.7%, ayon sa datos ng Kantar Media. Ilang serye na rin ang sumubok tumapat dito pero nanaig pa rin ang suporta ng Kapamilya viewers para sa palabas.

Patuloy din ang araw-araw na pag-ani ng papuri ng serye mula sa netizens sa pagiging consistent trending topic nito sa Twitter at pagiging patok na usapin online.

Tinututukan din ang “Doble Kara” hindi lang dahil sa mga makapigil-hiningang mga eksena nito, kung hindi dahil na rin sa mga aral na ipinapakita nito na sumasalamin sa pamilya Pilipino. Natunghayan sa serye ang hindi matatawarang pagmamahal ng mga ina kina Laura (Mylene Dizon) at Lucille (Carmina Villarroel). Napanood din ang tatag at kakaibang katapangan ng mga ama para sa pamilya kina Ishmael (Ariel Rivera) at Antonio (Allen Dizon). Naipadama naman