Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

The Better Half

Pinakabagong tambalan ng ABS-CBN masusubok ng pag-ibig at kasinungalinan sa The Better Half

Mapapanood ang premiere ng romantic drama at psycho-thriller nina Shaina Magdayao, Carlo Aquino, JC De Vera at Denise Laurel .

Tunghayan ang kakaibang pagsasadula ng kuwento ng pag-ibig sa pinakabagong serye ng ABS-CBN na “The Better Half,” na magpapakita kung hanggang saan ang kayang isakripsyo ng isang tao sa ngalan ng pag-ibig.

Gagampanan ng apat sa pinakamagagaling na Kapamilya actors at actresses na sina Carlo Aquino, Denise Laurel, JC De Vera, at Shaina Magdayao, ang mga karakter na ipaglalaban ang kanilang pag-ibig sa kabila ng mga kasinungalingan, panlilinlang, at mga sikretong nakapalibot dito.

Masayang namumuhay ang mag-asawa na sina Camille (Magdayao) at Marco(Aquino), ngunit susubukin ng isang trahedya ang kanilang pagsasama matapos bumagsak ang eroplanong sinasakyan ni Marco.

Sa pag-aakalang patay na ang asawa, magpapatuloy si Camille sa kaniyang buhay at makikilala si Rafael (De Vera), ang lalaki na tutulong sa kaniya na kalimutan ang nakaraan at bukasan muli ang puso sa pag-ibig. Ngunit agad mapuputol ang saya ng kanilang pagsasama nang muling magpakita kayCamille si Marco, at higit na magiging komplikado ang sitwasyon dahil kasal na si Marco kay Bianca (Laurel).

Ngayon na muling nagtagpo sina Camille at Marco matalikuran kaya nila ang buhay na mayroon na sila ngayon, o pipiliin nilang kalimutan na lang ang pag-ibig ng nakaraan? Hayaan kaya nina Rafael at Bianca na maging masaya sina Camille at Marco sa piling ng isa’t-isa, o ipaglaban pa rin nila ang kanilang pag-ibig? Ano ang kayang gawin ng apat na nagmamahal upang patunayang sila ang nararapat na “The Better Half”?

Kasama rin sa “The Better Half” sina Epi Quizon, Nadia Montenegro,Rommel Padilla, Carmi Martin, Zeppi Borromeo, Maila Gumila, Bart Guingona, Mari Kaimo, Joyce Ann Burton, Regine Angeles, Junjun Quintana, at Pooh. Mapapanood din dito sina Gilleth Sandico, Kate Alejandrino, Tiptip Fucoy, Delphine Buencamino, Lemuel Pelayo,Vincent Lim, at Johan Santos.

Ang teleserye ay sa ilalim ng direksyon ni Jeffrey Jeturian, sa ilalim ng GMO Production Unit na nagbigay ng mga dekalibreng seryeng “Be Careful With My Heart,” “Dream Dad,” “Ningning,” at “The Greatest Love,” na sa direksyon din ni Jeturian.