Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Lindol, niyayanig ang Caraga at Davao regions

Madalas yanigin ng lindol ang ilang lugar sa Timog Mindanao ngunit wala pa namang nauulat na nasawi o nasira. Ayon sa Philippine Institue of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang lindol ay may magnitude na 5.2 sa Caraga at Davao. Nasundan pa ito ng magnitude 5 na pagyanig sa Davao Oriental. Intensity 4 naman sa mga bayan ng Lingig at Hinatuan sa Surigao del Sur samatanalang intensity 3 naman sa Bislig, Surigao del Sur. Naranasan naman ng Davao del Norte ang lindol na may magnitude 4.9 at magnitude 4.5 na lindol naman sa Compostela Valley. (Philippine Daily Inquirer)