Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Debate tungkol sa RH Bill, malayo pang matapos

Hindi pa tapos ang debate kung aaprubahan ang RH Bill o hindi; ito ang pahayag ni Senate President Juan Ponce Enrile sa mga tagapagtaguyod ng batas na ito nang pansamantala itong matigil dahil sa impeachment trial ng dating Chief Justice Renato Corona. Ayon sa kanya, hindi niya maintindihan kung paano naging “prohealth” at “prowomen” ang RH bill lalo pa’t birth control ang isa sa malalaking suliranin ng mga first world countries. Umaasa si Enrile na hindi ginamit ni Pangulong Aquino ang kanyang State of the Nation Address upang maitaguyod ang RH Bill; bagkus, suportado pa ni Enrile ang kampanya ng pangulo sa isang responsableng family planning ngunit hindi RH Bill ang solusyon dito. (Philippine Daily Inquirer)