Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Legacy ni Aquino: Food Security

Bukod sa pagsawata sa corruption, ang isa panggustong iwanglegacy niPangulongAquio sa mamamayang Pilipino, sa pamamagitan ng Department of Agriculture (DA) ay ang seguridad sa pagkain sa buong bansa, bago matapos ang termino nito.  Sinabi ni DA Secretary Proceso Alcala na natitiyak nito ang pagkakaroon ng rice sufficiency sa 2013 kung saan hindi na aangkat ng bigas ang Pilipinas sa ibang bansa sa halip ay nakasentro na lamang sa ibang produktong pang-agrikultura tulad ng isda, karne at gulay.  Ito ang sinisiguro namin sa publiko dahil ito ang i-iwang legacy ng Aquino administration,” ani Alcala.  Pinag-aaralan na rin, aniya, kung posibleng mag-ani ang magsasaka ng hanggang apat na beses sa loob ng isang taon, sa halip na isa o dalawang beses lamang.

Ayon naman kay National Irrigation Adminis­tration (NIA) Administrator Antonio Nangel, naglalagay na sila ng mga “small-water impounding reservoir” sa mga tago at malalayong lugar na hindi naaabot ng irrigation system sa bansa.

“Sisiguruhin namin na meron silang sapat na suplay ng tubig para sa kanilang palay, gulay, mais at iba pa, para sa makatotohanang masaganang ani,” paliwanag ni Nangel.-(Abante-Tonite)