Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Herbal medicines, kontaminado

Bunsod na rin ng kahirapan, karamihan sa mga mahihirap na pamilyang Pinoy ay umaasa na lamang sa herbal medicines na nabibili kung saan-saan sa mas murang halaga.  Kaya naman nagbigay babala ang isang mambabatas sa ulat na nagkalat ang ilang herbal medicines, na sa halip na makagamot ay lalong nagpapalala sa kalusugan ng bawat indibiduwal.  Kailangan umanong seryosohin ng pamahalaan ang nasabing ulat upang magarantiyahang ligtas ang herbal medicines.  Bunsod nito, pinaiimbestigahan ni Bonoan-David sa Kamara, partikular ang House committees on Trade and Industry, Health and the Quality Affordable Medicines Oversight Committee na imbestigahan ang nagkalat sa merkado ng ilang herbal medicines na kontaminado.

Sinabi nito na sinumang makainom ng aerobic bacteria sa mga kontaminadong herbal medicines ay malaki ang posibilidad na magdulot ito ng masamang epekto tulad ng pagkakaroon ng lagnat, gastrointestinal at pagsusuka, pagdudumi, at dehydration.-(Abante)