Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Kusidong Isda

Sangkap:

  • 1 kg isda (kahit anong klase)

  • 4 tasang hugas bigas

  • 1/3 tasang calamansi o lemon juice
  • 2 kutsarang bagoong alamang o balaw
  • 3 tangkay ng  green onions, hiwain
  • 2 pirasong katamtamang laki ng kamatis, hiwaing makaapat

  • 4 pirasong bawang, pitpitin

  • 1 thumb size na luya, hiwaing manipis

  • 3 pirasong shallots, hiwaing makaapat

  • paminta

  • asin

  • Siling labuyo

Paraan:

  1. Ibuhos ang hugas bigas sa kaserola at ilagay ang luya, shallots, at kamatis. Pakuluin at hayaang kumulo sa katamtamang init ng apoy hanggang lumambot ang kamatis.

  2. Ilagay ang isda at bagoong alamang/balaw at takpan ang kaserola. Ituloy ang pagpapakulo sa loob ng 5 minuto o hanggang maluto ang isda.

  3. Ilagay ang  calamansi/lemon juice, ihalo ang sili at spring onions, pakuluin sa karagdagang 1 minuto.

  4. Lasahan ng ason at paminta, patayin ang apoy at saka ihain.

Recipe and photo credits: www.angsarap.net

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *