Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Chicken Lininggil

Sangkap:

 

Liniggil

  • 1 kg free range chicken, i-cut sa sections

  • 1 maliit na bungkos ng sitaw

  • 1 malaking kamatis, tadtarin

  • 1/4 tasang liver spread o dinurog na chicken liver

  • 400 ml lata ng coconut milk

  • 3 pirasong siling haba

  • asin

  • mantika

Spice Blend

  • 4 pirasong bawanng

  • 3 maliliit na shallots, hiniwa

  • 1 thumb sized na luya, hiwain

  • 2 kutsaritang turmeric powder

  • 1/4 tasang palapa

Paraan

  1. Gamit ang pangdikdik at dikdikan, o food processor, pagsamahin ang lahat ng sangkap ng spice blend at i-process ito hanggang maging parang paste. Itabi.

  2. Initin ang mantika at kapag malapit nang umusok at ilagay ang chicken pieces at haluin hanggang mag-brown ang lahat ng sides.  Kapag brown na ay hanguin mula sa kawali at itabi.

  3. Hinaan ang apo at magdagdag ng mantika at ilagay ang palapa, igisa hanggang lumabas  ang aroma.

  4. Ilagay ang  kamatis at ituloy ang paggisa hanggang lumambot ito.

  5. Ibuhos ang coconut milk at ilagay ang  chicken, liver, at sili.  Painitin sa katamtamang init ng apoy hanggang kumulo.

  6. Kapag kumukulo na, babaan ang init ng apoy, takpan at hayaang kumulo sa loob ng 30 minuto.

  7. Alisin ang takip at ihalo ang sitaw, lakasan ang apoy at iluto habang hinahalo hanggang maubos ang sabaw o likido at malambot ang sitaw, mga  5 minuto.

  8. Lasahan ng asin kung kinakailangan, patayin ang apoy at saka ihain.

Recipe and photo credits: www.angsarap.net

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *