Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Korean-Style Chicken Wings

Ang lutuin ito ay tatlo lamang ang sangkap subalit masisiyahan kayo sa kalalabasan kapag naluto na ang chicken wings. Ano nga ba ang sikreto? Puti ng itlog (egg white), baking soda at asin. Bagotayo mag-umpisa, ang masarap na chicken ay syempre may kasamang sawsawan ( Korean Style dip).

Sangkap

Chicken Wings

  • 1 1/2 kg chicken wings
  • 3 malaking itlog ( ihiwalay ang puti sa pula), egg whites
  • 2 kutsaritang baking soda
  • 1 kutsarang sea salt

Dip

  • 1/4 tasang soy sauce
  • 1/4 tasang apple juice
  • 2 kutsarang honey
  • 1 kutsarang rice vinegar
  • 1 kutsarang sesame oil
  • 2 pirasong dried chillies, tadtarin
  • 1 kutsarang toasted sesame seeds
  • 1 pirasong bawang, pitpitin at hiwaing maliit
  • 1/2 kutsaritang tinadtad na luya
  • 1 sibuyas na maliit (shallot), tadtarin
Paraan

Chicken Wings

  1. Sa isang mangkok, pagsamahin ang puti ng itlog, baking soda at sea salt.
  2. Ilagay ang chicken wings, haluing mabuti hanggang mabalot ng mabuti ang chicken at i-marinate ito sa loob ng 6 na oras.
  3. Ihanda ang wire rack at punasan ng mantika. Ilagay sa ibabaw ng pan at ilagay ang chicken sa ibabaw nito. Ilagay sa loob ng ref at iwanan sa loob ng 24 na walang takip. Ito ay upangmasigurong ang chicen at tuyo bago i-bake.
  4. Ilagay ang rack sa gitna ng 235C preheated na oven at i-bake sa loob ng 30-35minuto o hanggang ang balat ng manok ay lumutong. Habang nagbe-bake, baligtarin ang chicken tuwing 10 minuto hanggang maluto para siguradong luto ang bawat side ng manok.
  5. Hanguin mula sa oven at hayaang lumamig ng kaunti sa loob ng 5 minuto bago ihain.
  6. Ihain kasama ang sawsawan.

Dip

  1. Paghaluin ang lahat ng sangkap sa isang mangkok at ihain kasama ang chicken.

Para sa iba pang recipes, puntahan lamang ang http://www.angsarap.net

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *