Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Batchoy Tagalog

Sangkap:
  • 350 g pork belly (liempo), hiwaing maliit na pakuwadrado
  • 100 g pork liver, hiwaing pa-cube na maliit
  • 100 g pork heart, hiwaing maliit na pa-cube
  • 100 g namumuong (dugo ng baboy) pork blood, hiwang maliit na pa-cube
  • 2 bunches/segments ng misua ( 75 hanggang 100 g)
  • 5 tasang tubig
  • 3 tasang sabaw ng baboy
  • 1 kutsaritang ginger paste
  • 6 pirasong bawang, pitpitin at hiwaing maliit
  • 1 sibuyas, tadtarin
  • 3 pirasong siling haba
  • patis
  • paminta
  • tinadtad na sibuyas na mura, pang dekorasyon
  • mantika
Paraan:
  1. Sa isang ihawan na may takip, sindihan ang ilang pirao ng uling at kahoy.
  2. Ilagay ang hiniwang karme sa ibabaw ng flat na lalagyan at pausukan ito sa loob ng 1 oras (takpan).
  3. Sa isang kaserola, maglagay ng mantika at igisa ang bawang, sibuyas at luya.
  4. Ilagay ang liempo at lutuin hanggang maging kulay brown at lumutong.
  5. Idagdag ang puso at atay at igisa sa loob ng 2 minuto.
  6. Lagyan ng tubig, pork stock at siling haba, pakuluin at hayaang kumulo sa loob ng 15 minuto sa katamtamang init ng apoy.
  7. Ilagay ang buo-buong dugo ng baboy at misua at lutuin sa loob ng karagdagang 5 minuto.
  8. Lasahan ng patis at paminta, ibudbod sa ibabaw ang sibuyas na mura at ihain.

Para sa iba pang recipes, puntahan lamang ang http://www.angsarap.net