Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Kinunot

Sangkap:

  • 500 g pagi (sting ray) o lemon fish (shark), hiwain pakuwadrado
  • 400 ml latang coconut milk
  • 200 ml coconut cream
  • 1 tasang malunggay o baby spinach
  • 1 katamtamang laki ng puting sibuyas, tadtarin
  • 6 pirasong bawang, pitpitin at hiwaing maliit
  • 1/2 ga-hinlalaking luya, hiwaing manipis
  • 3/4 tasang suka
  • 6 pirasong siling haba
  • 2 pirasong siling labuyo, hiwaing maliit
  • patis
  • paminta
  • asin
  • mantika

Paraan:

1. Sa isang pot, maglagay ng kumukulong tubig, asin, sting ray / shark at luya at pakuluin sa loob ng 10 minuto o hanggang ang isda ay maluto at madaling mahimay. Alisin mula sa pot, i-drain at ilagay sa plato at palamigin. Kapag medyo malamig na at himayin at itabi.

2. Himayin ang isda sa isang mangkok at lagyan ng suka at paminta, itabi at hayaang ma-marinate sa loob ng 1 oras. Pagkatapos ng marinating ay i-drain ito sa salaan.

3. Sa kawali, maglagay ng konting mantika at igisa ang bawang at sibuyas, ilagay ang coconut milk at siling labuyo. Pakuluin at hayaang kumulo sa loob ng 5-10 minuto o hanggang mabawasan ang likido mula sa coconut milk at magmantika.

4. Ilagay ang hinimay na isda at malunggay at lutuin sa katamtamang init ng apoy hanggang medyo tuyo ang sabaw at magmantika.

5. Ilagay ang coconut cream, siling haba at lasahan ng patis at haluin mabuti at hayaang kumulo sa loob ng 5 minuto sa mahinang apoy.

6. Hanguin mula sa kawali at ihain habang mainit na may kasamang mainit na kanin.

Photo and recipe credits: www.angsarap.net