Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Inaloban a Isda

Sangkap:

Inaloban

  • 2 pirasong katamtamang laki ng tilapia o snapper
  • 1 bungkos ng pechay
  • 1 malaking siling pula ( red bell pepper), hiwain
  • 400 ml coconut milk
  • 200 ml coconut cream
  • 2 pirasong shallots
  • 1/2 thumb sized na turmeric, hiwaing manipis
  • patis
  • paminta
  • mantika

Palapa

  • 6 stalks ng spring onions, tadtarin
  • 3 kutsrang ginger paste
  • 5 pirasong siling labuyo ( birds eye chillies), hiwaing maliit

Paraan:

1. Sa isang malaking dikdikan, pagsamahin ang lahat ng sangkap ng palapa, dikdikin maigi hanggang maging parang paste.

2. Ihawin ang isda ( 4 minuto bawat side ng isda).

3. Habang iniihaw ang isda, lagyan ng mantika ang kawali at igisa ang shallots at lutuin sa loob ng 2 minuto, ilagay ang pa;apa at turmeric at haluin ng 1 minuto.

4. Ihalo ang coconut milk at siling pula ( red capsicum) at pakuluin. Hayaang kumulo sa mahinang apoy sa loob ng 10 minuto.

5. Ilagay ang isda, pechay at coconut cream, ituloy ang pagpapakulo sa karagdagang 5 minuto.

6. Lasahan ng patis at paminta at ihain.

Recipe and photo credits: www.angsarap.net