Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Kilalanin ang mga kumakandidato sa pagka-Senador sa “Harapan 2019: The ABS-CBN Senatorial Town Hall Debate”

Handa nang patunayan ng mga nagnanais maging senador ng Pilipinas na karapatdapat silang iboto sa darating na halalan sa “Harapan 2019: The ABS-CBN Senatorial Town Hall Debate” na magsisimula ngayong February 17 (Manila time), na mapapanood sa karamihan ng mga bansa sa labas ng Pilipinas via ANC Global, TFC Online (www.TFC.tv) at TFC IPTV.

Matutunghayan sa gaganapin na debate sa February 17, February 24, at March 3 mula 7:00 p.m. hanggang 9:00 p.m. (Manila time), ang pagbabahagi ng mga tatakbo sa pambansang eleksyon ng kanilang mga posisyon sa iba’t ibang isyu sa lipunan at ilalahad ang kanilang mga plataporma at adbokasiya, na maaari namang gawing batayan ng mga Pilipino sa kanilang pagboto.

Tatalakayin sa debate, na pangungunahan ng mga pinagkakatiwalaang mamamahayag na sina Karen Davila at Alvin Elchico, ang mga importanteng usapin sa Pilipinas ngayon tulad ng seguridad sa trabaho, kasulugan, edukasyon, presyo ng bilihin, kapayapaan, at iba pa.

Unang sasabak sa debate ngayong February 17 sina Bam Aquino, Glenn Chong, Chel Diokno, Larry Gadon, Samira Gutoc, Florin Hilbay, Jiggy Manicad, Willie Ong, Koko Pimentel, at Francis Tolentino.

Bahagi ang “Harapan 2019: The ABS-CBN Senatorial Town Hall Debate” ng komprehensibong pagbabalita at pagtatalakay ng ABS-CBN News sa pambansang eleksyon.

Huwag palampasin ang “Harapan 2019: The ABS-CBN Senatorial Town Hall Debate” na gaganapin sa February 17, February 24, at March 3, na mapapanood sa karamihan ng mga bansa sa labas ng Pilipinas simulcast sa local airing nito via ANC Global. Streaming din ito via TFC Online (www.TFC.tv) at TFC IPTV sa ganap na 7:00 p.m. (Manila time), FREE para sa lahat ng users.