Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Angel Locsin sa bagong serye ng ABS-CBN ang “The General’s Daughter”

Ang bagong teleserye ay nagsimula noong Enero 21. Nagbukas ang taon ng puno ng aksyon sa pagsasama-sama nang pinakamahuhusay na mga aktor ng iba’t-ibang henerasyon sa seryeng “The General’s Daughter”.

Si Angel Locsin bilang Rhian Bonifacio, ang anak ng tinitingalang heneral ng militar na patuloy na maghahangad ng pagmamahal ng kaniyang pamilya. Itinuturing nga ni Locsin na isa ito sa pinakamahirap na karakter na kaniyang ginampanan sa isang serye. Pinaka-complex na character pero fun dahil ang mga kaeksena niya ay mga batikang artista.

Kasama rin sa serye ang beteranong aktor na si Tirso Cruz III bilang si Gen. Santiago Guerrero, ang ama ni Rhian at Si Janice De Belen bilang Amelia, ang ina ni Rhian.

Kaabang-abang din ang karakter ni Albert Martinez bilang Gen. Marcial De Leon, ang mortal na kaaway ni Santiago at si Eula Valdez ang bilang Corazon, ang butihing asawa ni Marcial.

Sa pag-ibig, papasok sa buhay niya sina Franco (Paulo Avelino) at Ethan (JC De Vera), na parehong mag-aagawan para sa pagmamahal niya. Makikilala niya rin ang kaniyang karibal na si Jessie (Ryza Cenon).

Samantala, makakasama rin sa serye ang batikang aktres at Diamond Star na si Maricel Soriano sa pagganap niya bilang Isabelle at siArjo Atayde bilang isang special child na si Elai, ang anak ni Isabelle.  Magbibigay kulay din sa serye sina Ronnie Alonte bilang si Ivan at Loisa Andalio bilang Claire. Makakasama rin sina Art Acuna, Anne Feo, Cholo Barretto, Kim Molina, Kate Alejandrino, Luz Valdez, at Nico Antonio. Ito ay sa ilalim ng direkyon nina Manny Palo at Mervyn Brondial. Huwag palagpasin ang mga susunod pang serye ng “The General’s Daughter