Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Cover Focus

Kapuso Primetime King Dingdong Dantes Continues to Reign

Tuluy-Tuloy ang paghataw sa ratings ng I Can See You: Alternate ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

Kahit busy sa iba’t ibang tv shows at guestings ay tuloy pa rin ang kanyang GMA Telebabad drama anthology na I Can See You: Alternate.  Sa mini-series na ito ay nakasama niya si Beauty Gonzales ang ilan sa mga mahuhusay ma actor at actress ng GMA 7.

Ayon kay Dingdong, very challenging ang kanyang role sa naturang series dahil kambal ang kanyang ginagampanang role.

“Isa ito sa mga pinakamahirap na nagawa ko talaga. Hindi lang siguro sa trabaho ko bilang artista pero sa buhay din in general dahil ang daming elemento na kaakibat ng experience na ito. Isa na diyan, first time ko na maka-experience ng mahabang lock-in taping and be away from my family for 30 days,

Plus, the fact na mahirap yung role. Pero iyon din naman iyong hinihingi ko sa sarili ko kapag pumipili at nagko-commit ako sa isang bagay, ‘yung sana mas mahirap ‘to kaysa sa mga nagawa ko na in the past, in order to challenge myself as an actor. All other elements combined, yung hirap na ‘yun nag pay-off naman. Lumabas kami sa taping bubble nang very fulfilled dahil we were able to tell a compelling story in the context of a very challenging time,” ani Dingdong na gaganap bilang Nate at Michael.

Bukod kay Dingdong, ksama rin niya sa casts ang mahusy na dramatic actress na si Beauty Gonzalez bilang Sheila, Nate’s wife; ang seasoned actress na si  Jackie Lou Blanco bilang Carmencita, Nate’s foster mother; ang versatile actress na si Joyce Ching bilang Angie, Michael’s younger sister; at ang  acclaimed actor at director na si Ricky Davao as Lyndon, Nate’s foster father. Si Dominic Zapata ang director ng naturang serye ay nagpahayag din ng paghanga sa kanyang mga artista sa naturang serye, “This is the first time Dingdong and Beauty met and worked with each other. But since ganoon yung acumen nila sa kanilang craft, kaya nilang magbatuhan ng linya on zoom, tapos kapag in-person na they allow it to organically form habang nangyayari yung eksena. It gets even better as the day progresses. Iyon ‘yung masarap panoorin. In fact, by the end of the lock-in, kahit ang hirap ng taping, nabitin ako. Kasi na-enjoy ko talaga. Hindi siya dumali in terms of the amount of work, but it’s just so enjoyable you forget na napapagod ka. If there’s a lot of joy and love, it shows in the work. Definitely, this is one of those projects where it’s evident.”

Matatandaang nung Enero ay biglang sumirit uli ang kasi ng covid at kasama si Doingdong at pamilya niya na nahagip ng covid variant Omicron.  Aniya, kahit anong ingat ang gawin mo kung tatamaan ka ng virus ay tatamaan ka talaga.  Buti na lang daw at kakatapos lang nilang magpabakuna ng booster shop kaya’t hindi ganung katindi ang epekto ng virus sa kanya. Ang ginawa nilang pamilya ay kumain sila ng sapat at uminom sila ng vitamins para lumakas ang kanilang resistensya.

Nagpasalamat si Dingdong sa lahat ng tumulong sa kanila sa panahon ng kanilang pagkakasakit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *