Kaldereta with Peanut Butter
Sangkap:
- 1 kg beef ribs, pang- laga, hiwaing pakuwadrado
- 2 pirasong katamtamang laki ng patatas, hiwaing pakuwadrado at i-deep fry
- 2 katamtamang laki ng carrots, hiwaing pakuwadrado
- 1 malaking, bell pepper, hiwain
- 1 malaking lata ng tomato puree
- 3 kutsara ng tomato paste
- 2 kutsarang peanut butter
- 2-4 siling maliit (red birds eye chillies), hiwaing
- 3 tasang beef stock
- 3 pirasong laurel (bay leaves)
- 1 sibuyas na pula, tadtarin
- 6 pirasong bawang, pitpitin at hiwaing maliliit
- paminta
- asin
- mantika
Paraan:
- Sa kaserola, painit ang mantika at igisa ang bawsang hanggang medyo malutong at mag-brown. Alisin mula sa kaserola at itabi.
- Ilagay ang sibuyas at igisa.
- Idagdag ang beef/mutton at haluin hanggang mag-brown.
- Ihalo ang sabaw ng sabaw ng beef (beef stock) at laurel (bay leaves), pakuluin.
- Ihalo ang tomato puree at carrots at hayaang kumulo sa loob ng 1½ hour sa mahinang apoy o hanggang ang beef ay lumambot, magdagdag ng tubig kung kinakailangan.
- Ilagay ang peanut butter at ituloy ang pagpapakulo sa loob ng 15 minuto.
- Ilagay ang tomato paste, bird’s eye chillies at bell pepper (capsicum) at pakuluin sa karagdagang 15 minuto.
- Ihalo ang patatas at lasahan ng asin at paminta. Ilagay sa ibbaw ang piniritong bawang at ihain.
Thank you: Raymund Macaalay (recipe & photo) http://www.angsarap.net/