Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Kalamay

Kalamay

Ang Kalamay o Calamay ay panghimagas na gawa sa malagkit na popular sa Pilipinas. Ito ay madalas na inihahain pang-meriyenda at kapag Media Noche naman ay popular na inihahain ito dahil may kasabihan sa Pilipinas na kapag ikaw ay naghain at kumain ng kalamay ay mas lalao magiging malapit ang pamilya sa isa’t isa.

Sangkap:
  • 2 tasang glutinous rice flour o galapong
  • 2 tasang palm sugar ( panutsa o asukal na pula), 9-10 maliit na piraso ( ang kulay ng kalamay ay base sa kung gaanong karaming asukal ang gagamitin.
  • 4 tasang coconut cream
  • saha ng saging

Latik

  • 2 tasang coconut cream
Paraan:
  1. Sa isang non-stick pan o kawali (wok), maglagay ng 4 na tasang coconut milk at palm sugar, hayaan hanggang matunaw ang panutsa ( ng walang init na mula sa kalan).
  2. Kapag natunaw na ang panutsa, ilagay ang galapong at haluing maigi hanggang matunaw ang mga sangkap at walang buo-buo.
  3. Buksan ang kalan at pakuluin ang nasa kawali at haluin sa loob ng 45 minuto. Sa ika-15 minuto, ang mixture ay magu-umpisang lumagkit at medyo mabigat haluin dahil ito ay mamumuo pero huwag tumigil sa paghalo hanggang sa ika 45 minuto.
  4. Lagyan ng langis mula sa latik ang saha ng saging at ilagay ito sa isang malukong na bilog na pan ( 8-9 inch).
  5. Ilagay ang nilutong kalamay sa pan at ilagay sa ibabaw ang latik at hayaang medyo lumamig. Maaaring ihain ng mainit o malamig.

Latik

  1. Sa nakahiwalay na sauce pan, ilagay ang coconut cream o gata at pakuluin, hayaang kumulo sa katamtamang init ng apoy hanggang magmantika ito. Haluin ng haluin hanggang sa mag-umpisang mamuo ang gata at magkulay brown.
  2. Dito ay maaamoy mo ang mabangong amoy ng gata na nagu-umpisang maluto. Hanguin ang latik mula sa kawali.

Para sa iba pang recipes, puntahan lamang ang http://www.angsarap.net

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *