Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Health

15 health tips for the New Year

Taun-taon ay gumagawa tayo ng ating New Year’s resolution. May ibang natutupad, mayroong hindi at may iba naman na sadyang kinakalimutan. kadasalan sa mga New Year’s reasolution ay para sa kalusugan. May gumagawa ng resolution na mage-ehersisyo palagi, kakain ng tama at hihinto sa paninigarilyo o kung anumang bisyo. Ang pagsunod sa ating New Year’s resolution ay magiging mabuti sa ating kalusugan, makakaiwas sa anumang hear disease ng 80 porsiyento, ang panganib ng pagkakaroon ng diabetes ng 90 porsiyento at 50 porsiyento naman ng magkaroon ng cancer. Subalit karamihan sa atin ay pumapalya sa pagsunod. Mas makabubuting dapat ay sundin natin o gawin natin ito hindi lamang dahil sa ito ang nakaugalian kundi para na rin sa ating sarili.

Narito ang ilan sa mga pangunahing tips:

1. Wear a pedometer

Ayon sa makabagong pananaliksik, kung ikaw ay mage-ehersisiyo, gumamit ng pedometer dahil lalo kang mahihikayat na maglakad ng mas mahaba kesa sa regular na layo ng iyong nilalakad araw-araw, sa ganitong paraan din na mababawasn ang iyong timbang, at bumaba at maging normal ang iyong blood pressure. Subukang maglakad ng mabilis sa loob ng 30 minuto at 10,000 hakabang bawat araw. Mararamdaman mo ang pagkakaiba.

2. Don’t forget strength training

Huwag kalimutan ang page-ehersisyo para sa itaas at ibabang parte ng katawan. Karamihan sa atin ay kinakalimutan ang resistance exercise, ito ay makabubuti lalo na sa mga kababaihan kung saan ito’y mahalaga upang maiwasan ang muscle at bone loss para sa mga nagkaka-edad. Magbuhat ng weights kahit sa loob ng 20 minuto, 2 hanggang 3 beses isang linggo.

3. Don’t pop too many vitamins

Mabuti ang pag-inom ng vitamins pero hindi mabuti ang pag-inom nito ng labis. Ang iba ay hindi na kumakain, bagkus ay umaasa na lamang sa pag-inom ng vitamins. Ayon sa mga pananaliksik, maraming masigasig na uminom ng vitamins subalit ang benepisyong nakukuha dito ay hindi gaanong kataas. Subukang kuhanin ang kailangan bitamin at mineral mula sa pagkain at uminom ng multivitamins para sigurado. Kahit na sinong babae na nagbabalak na mabuntis ay dapat uminom ng folic acid supplement. Ang mga kababaihan ay dapat na kumonsumo ng 1,000 mgs ng calcium bawat araw ( 1,200 bawat araw kung ang isang babae ay menopause na) mula sa pagkain at food supplements. Para sa Vitamin D naman ay dapat kumonsumo tayo ng 800 IU (international units) kada araw, higit sa nire-rekomendang daily allowance.

4. Eat at least two fish meals per week

Malakas na ebidensiya na ang oil mula sa mga klase ng isda na tulad ng salmon, tuna, mackerel at herring ay may benepisyo sa ating puso, utak at mapapababa ang panganib na magkaroon ng cancer.

5. Talk to your doctor about taking aspirin for heart protection but don’t assume that it’s right for you.

Ayon sa isang clinical trial, ang isang malusog na babae na edad ay mababa sa 65 ay hindi nakakakuha ng proteksiyon para sa puso mula sa aspirin. Ang mga kababaihang nasa edad 65 pataas ang siyang mga kandidato para sa pangmatagalang pag-inom ng aspirin o ang mga kababaihang may history ng diabetes o sakit sa puso. Ang aspirin ay hindi basta-basta iniinom dahil may panganib ito sa pagkakaroon ng internal o gastrointestinal bleeding.

6. Drink water

Kahit nasaan ka man, anuman ang iyong ginagawa, ang tubig ang siyang palaging dapat na pinakamalapit sa iyo kapag ikaw ay nauhaw. Wala nang hihigit pa kesa sa anumang inumin na nagbibigay ng kapreskuhan sa iyong buong katawan kundi ang tubig. Bukod sa ito ay walang kaloriya, ito ay mabuti sa katawan dahil walang sugar o asin na taglay ito.

7. Sleep 8 hours a night

Ang bilang ng ilang pag-aaral ay nagkukumpirmang kailangan ng isang tao ang 8 oras na tulog sa gabi. Ang ilan sa benepisyo nito, ang tamang bilang ng oras ng tulog ay magbibigay sa iyo ng magaang na pakiramdam, mababawasan ang panganib ng pagkakaroon ng sakit sa puso, nakakatulong sa iyong memorya at maiiwasan ang aksidente sa daan (car accident).

8. Keep sugar and caffeine — the “legal evils” — to a minimum

Hindi man kapani-paniwala, subalit ang pagbabawas ng pag-konsumo ng asukal ay magpapataas ng enerhiya ng isang tao at mababawasan ang pagtaas at pagbaba ng sugar ng ating katawan. Iba’t ibang tao ay may iba’t ibang reaksiyon kapag nakaka-konsumo ng caffeine. Kaya dapat ay medyo maghinay-hinay sa pagkonsumo nito.

9. Consider acupuncture and massage as valid therapies for chronic problems, such as back pain and neuropathy. Nakikitang ang isang mahusay na masahe mula sa isang massage therapist ay makakabuti kesa sa pag-inom ng Tylenol o Advil araw-araw dahil sa sakit ng katawan o kalamnan.

10. If you smoke, quit

Walang buting idudulot ang paninigarilyo. Kung ikaw ay may problema sa paghinto sa paninigarilyo, subukang unti-tiin. Bawasan ang pagkonsumo ng sigarilyo mula sa isang kaha, hanggang sa kalahating kaha hanggang sa pabawas ng pabawas. Humingi ng guidance o giya mula sa ilang ahensiya kung bakit at saan nag-umpisa ang iyong paninigarilyo at kung paano ito ititigil. May mga grupo na maaaring makatulong at mayroon ding medikasyon tulad ng nicotine patch na makakabawas ng inyong paghahanap ng sigarilyo. Ang Acupuncture ay maaaring makatulong.

11. Don’t focus on dieting

Focus on eating. Kung ikaw ay nagugutom, ang tendensiya ay kakain ka ng marami lalo na sa gabi. Imbes na magsakripisyo ka ng hindi kakain sa buong araw, mas mabuting kumain ng tama sa umaga para maiwasan ang hindi mo ma-kontrol na pagkagutom sa gabi. Kumain tuwing 4 na oras at siguruhing kumain ng ‘second lunch’- isipin mong ito ay isang meal kesa meryenda sa hapon upang mapanatili ang iyong enerhiya sa hapon at mababawasan ang pagkagutom sa gabi.

12. Budget your food as you do your money

Ang isang giya o guide para sa iyong pang araw-araw na calorie intake: I-multiply mo ang iyong ideal body weight sa 10 ( halimbawa, 1,200 calories kung gusto mong ang iyong timbang ay maging 120 pounds) ang magdagdag ng 600 calories kung ikaw ay medyo aktibo at magdagdag pa ng ilang daan kung ikaw ay talagang aktibo. I-divide mo ang lahat ng iyong calorie intake sa buong araw para makuha mo ang iyong gustong timbang.

13. Eat three different foods at every meal

Huwag kakain ng isang maliit na portion lamang ng tuna sa pananghalian. Kumain ng tuna na may kasamang salad at kumain din ng prutas na napapanahon para maging balanse.

14. Eating won’t solve emotional problems

Karamihan sa mga matataba ay ang mga taong kumakain dahil sila ay depress. Maaaring makapagpalubag ito ng kalooban sa pansumandalian lamang dahil may ilang pagkain na nagbibigay ng mabuting pakiramdam, subalit kapag lumipas na ito ay babalik pa rin ang iyong emosyon at ang masakit pa niyan ay may nadagdag na timbang sa iyo.

15. Don’t drink too many calories

Madaling uminom ng mga softdrinks o kung anumang inumin na napapanahon, lalo na sa panahon ng nakalipas na holiday season, nang hindi mo napapansin ay nagtataglay ng mataas na kaloriya. Ang eggnog, ang starbucks coffee ay tulad din ng Big Mac na mataas sa kaloriya. Okay lang na uminom ng mga ito pero huwag sobra dahil alam naman nating ang sobrang ay hindi mabuti.