Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

JUDY ANN SANTOS, SA UPCOMING PRIMETIME BIDA TELESERYE NA “HUWAG KA LANG MAWAWALA”

Judy Ann Santos

Magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman ng ‘Queen of Pinoy Soap Opera’ na si Judy Ann Santos para sa nalalapit na pagsisimula ng kanyang inaabangang comeback Primetime Bida teleserye sa ABS-CBN na “Huwag Ka Lang Mawawala.”
“Hindi ko mai-explain ng maayos kung ano ‘yung nararamdaman ko pero sobrang flattering para sa akin ang pagdating ng proyektong ito sa buhay ko, at sobrang nagpapasalamat ako sa ABS-CBN dahil for the longest time nandyan lang sila lagi para suportahan ako at bigyan ako ng magagandang projects,” ani Judy Ann.
Ayon sa aktres, hindi siya nagdalawang-isip na tanggapin ang “Huwag Ka Lang Mawawala” dahil sa ganda at kaibahan ng kwento nito sa mga teleserye na kanyang pinagbidahan. Aniya, “Ang ganda kasi ng story ng ‘Huwag Ka Lang Mawawala’ dahil ito ay tungkol sa women empowerment. Ipinaglalaban nito ang mga karapatan ng mga kababaihan, at ipapakita nito ang kakayahan ng lahat para lumaban para sa mga prinsipyong ating pinanghahawakan.”
Ayon kay Judy Ann, na tinatawag bilang ‘Queen of Pinoy Soap Opera,’ ang itinuturing niyang susi sa kanyang tagumpay ay walang iba kundi ang kanyang pagpapahalaga niya sa kanyang craft.