Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

JB, GUSTONG MAGING ACTION STAR, SUSUNOD SA YAPAK NI LITO LAPID

JB Agustin and Lito Lapid

 

Kilala ang ABS-CBN bilang tahanan ng magagaling na artista mapa-adult, teen o child star. Ang bida ng “Little Champ” na si JB Agustin ay isa sa pinakakinagigiliwang batang aktor ng istasyon ngayon.
Binahagi ng pitong taong-gulang na si JB na bukod sa superhero role ay gusto niyang maging action star kagaya ni Lito Lapid na gumaganap ng papel na Amang Leon sa “Little Champ.”
“Hinahangaan ko po si Amang Leon at nagpapaturo ako sa mga stuntmen sa set ng stunts,” sabi ni JB.