Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Judy Ann, maghahatid ng mahahalagang aral at magtutupad ng mga hiling sa “Starla”

Maagang pamasko ang hatid ni Judy Ann Santos sa pagbabalik-telebisyon niya sa “Starla,” isang bagong primetime teleseryeng maghahatid ng pag-asa, magtuturo ng pagmamahal sa pamilya at pagpapatawad, at magtutupad ng mga kahilingan. Susundan ng serye, ang kwento ng isang mag-ama at isang misyong tuparin ang mga pinakainaasam na hiling ng puso. Ang “Starla” ang pinakabagong teleserye mula sa Dreamscape Entertainment, na siyang ring lumikha ng mga hit teleseryeng puno ng aral at inspirasyon gaya ng “May Bukas Pa,” “100 Days to Heaven,” “Honesto,” “Nathaniel,” at “My Dear Heart.”

Makakasama ni Juday sa “Starla” sina Joel Torre, Enzo Pelojero, Jana Agoncillo, Meryl Soriano, Joem Bascon, at Raymart Santiago, kasama ang special participation nina Tirso Cruz III at Charo Santos.

Bibida si Judy Ann bilang si Teresa, isang malupit at makapangyarihang abogado na naghahangad na makapaghiganti sa kanyang kinalakihang Baryo Maulap, na itinuturing niyang simbolo ng pagkatalo at masasakit na alaala.

Ang “Starla” ay isinulat ni Dindo Perez, at idinirek nina Onat Diaz, Darnel Villaflor, at Jerome Pobocan. Kasama rin sa cast sina Grae Fernandez, Chantal Videla, Janus del Prado, Kathleen Hermosa, Anna Luna, Jordan Herrera, Simon Ibarra, Raikko Matteo, Chunsa Jeung, Myel de Leon, Heaven Peralejo, at iba pa.