Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Judy Ann, balik-hosting są “Magandang Buhay”

Masayang masaya ang Queen of Philippine Soap Opera na si Judy Ann Santos sa kanyang muling pagtapak sa ABS-CBN bilang guest ku-momshie nina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros sa “Magandang Buhay.”

Isang taon na rin simula noong lumabas ako sa telebisyon at masarap sa pakiramdam na nakabalik ako muli sa ABS-CBN compound. Napaka-pamilyar sa pakiramdam na nakita ko kayong lahat. Nagpapasalamat ako sa opportunity na ito dahil happy na happy ang puso ko,” sabi ni Juday.

Sa naturang episode, naka-tsikahan ng tatlo ang lead star ng “Flower of Evil” na si Lovi Poe pati na ang co-stars nito na sina Pinky Amador at Rita Avila, at direktor na si Darnel Villaflor.

Huwag palampasin ang “Magandang Buhay” mula Lunes hanggang Biyernes 9 AM sa A2Z, Kapamilya Channel, at Jeepney TV, sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, iWantTFC, at sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel.