Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Igado Ilocano

Sangkap:

·         500g pork belly, hiwaing pakuwadrado ng maliit

·         300g pork liver, hiwaing pakuwadrado ng maliit

·         1 pc pork heart, hiwaing pakuwadrado ng maliit

·         1 malaking siling pula ( bell pepper), hiwaing pakuwadradong maliit.

·         1/2 tasang green peas

·         1 1/2 tasang cane vinegar

·         3 kutsarang soy sauce

·         3 bay leaves

·         1 kutsarang cracked peppercorns

·         patis

·         5 pirasong bawang, pitpitin at hiwaing maliit

·         1 maliit na sibuyas na pula, tadtarin

·         1 thumb sized na luya, tadtarin

·         mantika

Paraan:

1.      I-marinate ang pork liver sa 1/2 tasang cane vinegar sa loob ng 1 oras, haluin tuwing 15 minutos.

2.      Igisa ang bawang, sibuyas at luya.  Lutuin hanggang lumambot ang sibuyas.

3.      Ilagay ang pork belly at haluin hanggang magkulay brown ang lahat ng sides at ilagay ang pork heart at lutuin sa mataas na apoy.

4.      Ibuhos ang suka at soy sauce, ilagay ang pamintang buo at bay leaves at pakuluin at hayaang kumulo sa loob ng 25 minuto sa katamtamang lakas ng apoy, huwag takpan, hayaang unti-unting mabawasan ang likido at lumapot.

5.      I-drain ang likido mula sa liver. Itabi.

6.      Ihalo ang siling pula ( bell pepper), green peas at liver, pakuluin sa karagdagang 5 minuto.

7.      I-adjust ang lasa kung kinakailangan at lagyan ng patis. Ihain na may freshly cracked peppercorns.