Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Cover Focus

The Joy of Family comes alive with the Legaspi Family

Si Carmina Villaroel na isa sa well-loved endorser at most admired female personality ng showbusiness ay nagbabalik bilang host sa GMA 7 and this time, kasama na niya ang kanyang mga anak na sina Mavy at Cassy. Ito ay sa pamamagitan ng isang family-oriented program na Sarap, Di Ba? ng GMA Network. Matatandaang nag-host na rin si Carmina sa GMA 7 ang Sis kung saan kasama niya sina Janice at Gelli de Belen.

Ang Sarap, Di Ba ay isang cooking show, at ang layon ng programang ito ay magtutulay sa gap sa pagitan ng magulang at kanilang mga anak upang lalong mapagtibay ang kanilang relasyon bilang pamilya.

Si Carmina bilang isang Gen X mom ay ie-entertain ang mga manonood sa pamamagitan ng pagtalakay ng topics na nakaka-relate sa manonood. Mga topic tulad ng pampapamilya, pagkain, fun activities indoor o outdoor na siguradong kapupulutan ng infos ng mga manonood. Ang kambal na sina Cassy at Mavy naman bilang Gen Z teens ay makakasama ng kanilang mommy na idi-discuss ang tungkol sa latest trends sa musika, pop culture, fashion at technology.

Mako-commend mo sina Zoren Legaspi at Carmina sa maayos na pagpapalaki sa kambal na sina Cassy at Mavy. Ang ability ng mag-asawa na maka-relate sa kanilang mga anak ay masasabi nating kahanga-hanga. Hindi man maiko-consider na “millennial” sina Carmina at Zoren, at hindi rin agad -agad na nakakaalam tungkol sa trends at lingo ng makabagong millennials tulad ng kanilang kambal ay alam naman nilang mag-observe, makinig, at magkaroon ng interest kung saan ang dalawang kabataan ay interesado. Meaning, madaling makibagay ang mag-asawa sa kung ano ang mga pangangailangan ng dalawang anak at alam nila kung paano mag-adjust.

Ang kambal naman for their part ay magbabahagi ng iba’t ibang mga experience ng mga kabataang katulad nila, adventures at misadventures ng kanilang personal vlogs o video vlogs na makaka-relate din ang ibang mga ka-edad nila.

Hindi magiging kumpleto ang masayang bonding ng pamilya kung walang paghahanda o pagluluto ng healthy and hearty meals para sa picky children o hungry husband para ma-satisfy ang kanilang cravings.

Ang Legaspi family ang isa sa mga pamilya sa showbusiness na laging inaabangan mag-guest sa telebisyon. Ang kanilang tv guestings at commercial endorsements ay laging nagpapakita ng masaya at close-knit family. Marami sa netizens ang naga-agree na nakabuo ng isang maganda at happy family sina Zoren at Carmina.

At syempre hindi naman lagi all work na lang sa mag-asawa, syempre they find time to relax kasama sina Mavy at Cass. Nagpupunta sila sa ibang bansa to unwind and refresh. Nagkaroon ang pamilya na ma-enjoy nila ang travel at bonding nila sa pamamagitan noon ng isang travel show ng GMA 7 sa pamamagitan ng GMA Public Affairs na travel reality program na “Road Trip”. Na-feature ang pamilya sa pilot episode nito kung saan nagpunta sila sa “Last Frontier of the North”- ang Batanes.

Para sa Pinoys, ang pamilya nina Zoren at Carmina ay itinuturing nilang isa sa ideal family ng showbiz. Sila ay isang magandang halimbawa ng isang ideal happy family in a happy home. Pero ina-admit naman ni Carmina na wala naman perfect at hindi rin naman sila perpekto dahil mayroon ding arguments paminsan-minsan pero by the end of the day ay pina-patch up nila ang kung anuman ang kanilang pinag-argumentuhan. Hindi nila ito tinutulugan. Ika nga, pag-ibig ang pina-iiral nila at hindi ang taas ng ego.

At isa sa sikreto nila sa happy marriage nila ay ang pagiging totoo at walang pretentions. What you see is what you get. “We are loving family and we share,” paglalahad ni Carmina. Ang mabuting asal na itinuro din nila sa kanilang mga anak na nagsilbing mabuting halimbawa. “Mutual trust and respect” is the key to maintaining a harmonious relationship with the family,” lahad pa ni Carmina.

Ngayong nakapasok na rin sa showbiz ang dalawang anak nina Zoren at Carmina ay pinapaalalahanan nila na dapat ay priority pa rin ang kanilang pag-aaral at gawing inspirasyon at i-enjoy ang kanilang pagso-showbiz. Pero kung sakaling makapagtapos na sila ng pag-aaral at gusto nilang i-pursue ang showbusiness ay hindi naman sila pipigilan ng kanilang mga magulang at ibibigay nila ang kanilang full support sa mga bata.

Tulad ng ibang pamilyang Pinoy, ang pamilya nina Zoren at Carmina ay isang halimbawa ng tipikal na pamilya na nagse-celebrate ng Kapaskuhan sa pamamagitan ng sharing hindi lang sa kanilang pamilya kundi sa kanilang maituturing na “extended family”, ang kanilang mga kasambahay, driver at managers. Hindi nila ito nalilimutan sa tuwing sasapit ang Pasko, sama-sama silang nagdiriwang ng Kapaskuhan sa bahay ng mga Legaspi.

Maligayang Pasko sa Inyong Lahat!