Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Angel Aquino at Tony Labrusca sa Pelikulang Glorious

Matapang na tinahak ng mga karakter nina Angel Aquino at Tony Labrusca ang mundo ng pag-ibig sa pagganap nila bilang magkarelasyon sa isang May-December love affair sa “Glorious”, isang orihinal na pelikula mula sa Dreamscape Digital na inalabas noong nakaraang Nobyembre 17.

Maraming netizens ang nagpahayag ng pananabik at naintriga sa full trailer ng pelikula at nakaani na ng higit sa 16.9 milyong views. Nahikayat din nito ang marami na ibahagi ang kanilang pananaw tungkol sa May-December relationships at ipaliwanag ito mula sa ilang humuhusga sa ganitong relasyon.

Isinulat at idinirek ni Concepcion Macatuno ang “Glorious”, na iikot sa kwento kina Glory (Aquino), isang 52 taong gulang na brain tumor survivor na mahuhulog ang loob sa lalaking 30 taon ang agwat sa kanya na si Niko (Labrusca).

Sa kabila ng mga problema, makikilala niya ang madiskarte at masigasig na si Niko, ang 22 anyos na lalaking magbabago sa kaniyang buhay.

Bagama’t instant attraction ang mararamdaman ng dalawa, pipilitin nilang patibayin at panindigan ang kanilang pagmamahalan sa kabila ng mga hamon sa kanilang relasyon, kabilang na ang pagkakaiba ng kanilang mga pananaw, agwat sa edad, at ang panghuhusga ng kanilang pamilya at komunidad.

Ipaglaban kaya nina Glory at Niko ang kanilang pag-iibigan hanggang sa dulo? Paano matututunan ni Glory na tibayan ang loob at piliin ang sarili?

Marami ang naintriga sa ilang eksenang ipinakita sa trailer ng pelikula, naniniwala sina Aquino at Labrusca na ang pelikula ay tungkol sa pagkakaroon ng kalayaang mahalin sinuman ang nais nilang ibigin.