Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Jose Manalo, gustong makatrabaho sina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo

Si Jose Manalo ay may bagong pelikula na siya ang bida. Ito ay ang comedy/drama film na “Boy Tokwa.” Ang Boy Tokwa ay istorya ng namayapang Olongapo-based con artist na si Rodrigo Morelos. Maganda ang pagtanggap ng mga manonood sa unang pelikulang pinagbidahan ni Jose. Kilala naman natin si Jose na kaya niyang magdala ng isang comedy skit at dalang-dala niya ang mga manonood. Hindi puro comedy ang pelikulang ito, may drama scenes din na punum-puno ng emotions na inakala ng lahat ay hindi kayang gawin ni Jose dahil sanay siya sa comedy pero pinahanga niya ang fans dahil mahusay siyang umarte. Si Tony Reyes ang nag-direct ng comedy-drama na ito. May mga nagtatanong nga kung paano niya nagampanan ng buong husay ang drama scenes, “Nung nandun na kami sa part na ‘yun—’yung ginagawa na namin ‘yun—naramdaman ko na si Boy Tokwa, kung gaano kasakit ‘yung pagkawala ng nanay niya,” pag-amin ni Jose.

Sa estado ng kanyang career ngayon, halos lahat ng artista ay nakasama na niya, kamakailan lang ay nakatrabaho rin niya ang mga Kapamilya actor na sina Coco Martin at Arjo Atayde (Jack Em Popoy: The Puliscredibles) at may nagtanong kung sino iba pang Kapamilya stars ang gusto niyang makatrabaho.

Marami naman kasi. Like sina John Lloyd Cruz and Sarah Geronimo. Kasi movies nila ‘pag napapanuod ko natutuwa ako. Sa tingin ko mga komedyante rin sila kasi gusto ko naman maka-try ‘yung seryosong mukha pero komedyante. Mukhang masarap katrabaho. Mukhang masarap kabatuhan sa mga eksena,” sambit ni Jose.

Ang Boy Tokwa, ay pinrodyus ng movie company ni Senator Tito Sotto ang VST Productions.