Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Travel

Instagram-Worthy Cafe

Ang “Instagram-worthy” ay salita na popular sa mga kabataan. Ang ibig sabihin nito ay pagnanais na kumuha ng isang shot ng isang magandang bagay at i-post sa Instagram upang maipagmalaki ito.

Marami na rito sa Japan ang mga kakaibang café na nagse-serve ng mga pagkain na kaaya-aya sa litrato. Narito ang ilan sa mga ito:

1. Salon de The Rond – the museum café

Photo from Instagram @miffy1007

Isang fashionable café na matatagpuan sa second floor ng National Art Center, Tokyo sa may Roppongi area ng Minato City. Ito ay parang nakabaligtad na giant cone ang shape ng building at ang pakiramdam mo ay para kang nakalutang sa ere. Pamoso at akmang maging setting ng drama at animated movies. Ang mga customer ay mag-e-enjoy sa view ng museum at maaliwalas na paligid. Kabilang sa signature item ng café na ito ay ang kanilang authentic matcha green tea na may kasamang dessert o anything sweet na babagay sa matcha tea. Ang kanilang limited time menu ay nagko-collaborate sa special exhibit ng museum. Na-feature na rin ito sa isang instagram blog bilang isa sa mga stylish cafés sa Tokyo.

Address: 106-8558 Tokyo-to Minato-ku Roppongi 7-22-2 The National Art Center 2F
Hours: 11:00~18:00 ※Friday 11:00~19:00 ※Closed every Tuesday (Open on national holidays and will close on the next day)
Access (By Train):
• Connected to Nogizaka Station (No.6 Exit, to Aoyama Cemetery) of Tokyo Metro Chiyoda Line
• 4 minutes walk from Roppongi Station (No.7 Exit) of Tokyo Subway Oedo Line
• 5 minutes walk from Roppongi Station (4a Exit) of Tokyo Metro Hibiya Line

2. Iriya Plus Café – the antique-style café

Photo from Instagram @lok.loklok

Ang shop na ito ay binuksan taong 2008 at ito ay matatagpuan sa lugar kung saan makikita mo ang maraming nakatayong lumang building. Ang makatawag pansin sa costumers ay ang traditional living space na ipinakita sa café shop na ito. Imbes na baguhin ang lugar ay pinapanatili nila ang lumang konsepto ng Japanese living. Gawa sa kahoy at maliliit na glass window. Ang café ay ordinaryo sa paningin pero mararamdaman mo na ibinabalik ka nito sa simpleng pamumuhay noong panahong 1912-1926 (Taisho period) at 1926-1989 (Showa period). Ang specialty ng café na ito ay pancakes. Maging sa lunch ay kasama pa rin ang pancake sa menu. Ayon sa instagram blog, isa ito sa mga café na nagbibigay ng antique style feeling.

Address: 111-0042 Tokyo-to Taito-ku Kotobuki 4-7-1-1
Hours: 11:00~20:30 (closes at 19:30 on Sunday and holidays)
Access: 3-minute walk from Tokyo Metro Ginza Line Tawaramachi Station

3. Sarasa Nishijin: the unusual setting café

Photo from Instagram @marumekko

Lumang public bath o “sento” na pinalamutian ng tile mosaic at ginawang café. Ito ay isa sa pinaka-interesting na café/restaurant sa Kyoto. Medyo nakakalito nga lang sa iba dahil kung titingnan mo sa labas ay isa itong public bath at pagpasok mo sa loob ay makikita mo ay isang café. Ito ay kino-consider na pinakamagandang “sento” sa siyudad. Tradisyunal ang menu na makikita sa café pero ang hinahanap na relaxing mood ay matatagpuan dito.

Address: 603‐8223 Kyoto-shi Kita-ku Murasakino Higashi Fujinomori-cho 11-1
Opening hours: 12:00~23:00
Nearest Transport: 7-minute walk from Daitoku-ji-mae Bus Stop, Kyoto City Bus 206 from Kyoto Station

4. OTera Café: the café inside the Buddhist temple

Photo from Instagram @otera_cafe

Ang OTera Café ay matatagpuan sa loob ng isang templo sa Suō-Ōshima Island. Ang pangalan mismo ay nagsasabing ito ay isang “temple café.” Masarap ang pagkain sa menu at nakaka-relax ang atmosphere habang ikaw ay umiinom ng tea o coffee sa Ōshima. Nago-offer din sila ng dessert at lunch menu. Ang kanilang matcha at monaka ice cream ay isa sa ipinagmamalaki ng café na ito. Ang concept ng café na ito ay “space of relaxation and forgetting everyday life” na sadyang kaiga-igaya sa bawat costumer na nagpupunta rito.

Address: 742-2802 Yamaguchi-ken Suō-Ōshima-cho Yura 587 Jugenji-temple
Hours: 13: 00 ~ 17: 00

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *