Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Cover Focus

James Reid and Nadine Lustre: The Breakout Love Team

JADINE

Sa mga sumibol na love teams sa henerasyon ng mga sikat na love teams ngayon, isa ang “JADINE” na binubuo nina James Reid at Nadine Lustre na maituturing na swerte dahil sa loob ng maikling panahon ay nakamit nila ang superstardom status.

Maraming nakakaalam na noong taong 2014 ang JADINE ay biglang sumulpot out of the blue at niyanig ang mundo ng showbiz nang makapagtala sila ng combined revenue ticket sales na Php 120 million mula sa kinita ng kanilang mga pelikulang “Diary ng Panget” at “Talk Back and You’re Dead” na nakakasorpresa dahil sila ay mga baguhan at hindi nabibilang sa mga sikat na love teams tulad nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz at Daniel Padilla at Kathryn Bernardo o Liza Soberano at Enrique Gil.

Sa maikling panahon ng kanilang pagiging love team ay nakapag-uwi na sila ng iba’t ibang awards tulad ng “Most Popular Love team in Movies and TV,” kasama na diyan ang “Breakout Loveteam of the Year (2014).” Nakakuha rin sila ng major endorsement deals mula sa Smart, Jolibee at marami pang iba.

Ano nga ba ang meron ang dalawang ito at sobrang kinakikiligan ng mga tagahanga? Well, marami namang sagot sa simpleng katanungan. Unahin na natin ang salitang chemistry. Sa bawat love team, dapat ay may chemistry para maging mas natural at kapani-paniwala ang kanilang mga aksyon sa harap ng camera at audience. Ang chemistry sa pagitan nina James at Nadine ay mahirap ipaliwanag. Base sa kanilang recently concluded teleserye na “On The Wings of Love” at ang mga naunang pelikula nila, kapag ang kanilang mga mata ay nagtama, para bang wala nang mga taong nakapaligid sa kanila. Parang sarili nila ang mundo at sila lamang ang nakakaintindi sa isa’t isa. Siyempre kapag may chemistry ay dapat may talent. Obviousliy, ang dalawang ito ay marunong umarte at may talent din sa pagkanta at pagsayaw. Hindi man kasing galing ng mga mahuhusay nating singers ay may ibubuga ang dalawa, ika nga.

Para sa dalawang ito, kahit na sabihing may ibubuga ay hindi pa rin doon natatapos ang pag-explore nila sa mas mataas na level ng skills na kanilang ipinapakita sa kanilang mga tagahanga. Sabi nga ng iba, “there is always room for learning.” Hindi isinasara nina James at Nadine ang kanilang mga pintuan upang mas lumawig pa ang kanilang kaalaman hindi lamang sa akting kung hindi sa kung anu-ano pa ang dapat nilang matutuhan.

Sa sobrang closeness ng dalawa ay napapagkamalang “sila” na pero ayon kay Nadine ay hindi siya nagmamadali kung ang love life ang pag-uusapan. Matagal daw siyang naghintay para magkaroon ng big break sa showbiz kaya nais niyang mag-focus sa kung ano ang meron siya sa kasalukuyan. Sumang-ayon din si James sa kanyang kapareha. At this point, ayaw nilang pagsabayin ang love life, although, “action speaks louder than words,” hindi ganun ang nakikita ng mga tagahanga or di kaya naman marunong lang silang magdala.

Kumpara sa ibang love teams ng ABS-CBN, ang Jadine ay baguhan kaya aware sila sa kanilang mga priorities bilang love team.

“We don’t want to complicate things. Whatever is happening to us now, we have been waiting for this for so long. So, we don’t want to have anything between us that can hinder or ruin what we have now,” pagtatapat ng dalawa.

Bago pa nila nakilala ang isa’t isa, ano at sino nga ba sila?

Nadine Lustre

Batang nagsimula sa mundo ng showbiz, naging host si Nadine sa isang children-oriented show na “Storyland” ng RPN 9 noong siya ay 9 years old pa lang at naging miyembro ng cast ng “Bagets,” isang youth-oriented program ng TV5 sa ilalim ng produksiyon ng Viva Entertainment. Bilang talent ng Viva ay napasama din siya sa pelikulang “Petrang Kabayo,” ang launching movie ni Vice Ganda at ang drama teleserye ng TV5 na “P.S. I Love You.”

Lumabas din si Nadine sa ilang programa ng GMA 7 kasama na ang “SOP Rules” na napanood tuwing Linggo.

Nang makuha ng Viva Films ang film rights ng best-selling novel na “Diary ng Panget,” napunta kay Nadine ang role ni Eya Rodriguez. Kasama niya sa pelikula sina James Reid, Yassi Pressman at Andre Paras. Nakapagtala ng Php 120 million box office earnings ang nasabing pelikula na lubhang kagulat-gulat para sa apat na baguhang character ng nasabing pelikula.

Nasundan ang pelikulang “Diary ng Panget” at nagkaroon ng isa pang pelikula si Nadine kasama si James Reid at si Joseph Marco, ang “Talk Back and You’re Dead,” na base rin sa isang best-selling book na may kaparehong title. Naging blockbuster din ang nasabing pelikula at dito nagsimula ang tambalang JADINE.

Dahil sa tagumpay ng tambalang James Reid at Nadine Lustre ay kinuha sila ng ABS-CBN bilang exclusive contract talents nito. Napanood sila sa iba’t ibang programa ng ABS-CBN.

Taong 2015 nang ipinagkatiwala ng ABS-CBN sa kanila bilang lead stars ng isang teleserye ang “On The Wings Of Love.”

Naging top rated ang nasabing teleserye at lalong lumago ang hukbo ng kanilang mga tagahanga.

James Reid

Hindi katulad ni Nadine na maagang nag-umpisa sa showbiz, si James ay nag-umpisa noong siya ay teenager na. Sumali siya sa reality show na “Pinoy Big Brother.” Nakasama siya sa “Pinoy Big Brother: Teen Clash Edition” kung saan siya ang itinanghal na big winner. Pagkatapos ng kanyang stint sa “Pinoy Big Brother” ay ipinareha siya sa kanyang co-housemate na si Devon Seron sa ilang ABS-CBN shows tulad ng “Shoutout!” at “Good Vibes.” Pagkatapos ay nagkaroon siya ng 2-year Star Magic contract sa ABS-CBN. Ipinareha siya kay Yen Santos sa “Pintada.”

Taong 2014 nang naging exclusive contract star na siya ng ABS-CBN at dito nagsimula ang tambalan nila ni Nadiune Lustre kung saan ang unang tv series nila bilang love team ay napanood via “Wansapanataym Presents: My App #Boyfie.”

Pebrero 13 noong nakaraang taon nang ianunsyo ng ABS-CBN na magkakasama silang muli ni Nadine bilang love team sa TV series na “On the Wings of Love” bilang sina Lea at Clark.

Inabot nang ilang buwan ang nasabing teleserye at naging isa sa high rating teleseryes ng ABS-CBN. Ngayong tapos na ang teleserye, marami sa kanilang mga tagahanga ang umaasang may kasunod ang “OTWOL (On The Wings of Love)” dahil nami-miss na nila ang kilig moment nina Lea at Clark.