Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Cover Focus

Andre Paras & Barbie Forteza: A Love Team That Blooms Like Flowers in the Spring

Andre and Barbie

Una silang nagkasama sa teleseryeng kinagiliwan ng marami ang “The Half Sisters” na kung ilang beses na-extend at nananatiling mataas ang ratings. Magiging hamon sa kakayahan ng love team na ito ang kung paano nila mapapanatili ang init ng pagtanggap ng mga tagahanga at televiewers sa kanilang tambalan. Ang tambalang tinutukoy namin ay sina Andre Paras at Barbie Forteza. Maski si Andre ay hindi inakalang magtatagal ang “The Half Sisters” at taos puso ang pasasalamat niya sa GMA 7 na naisama siya sa cast ng naturang teleserye. Dito rin umusbong ang isang love team na kinakikiligan ngayon ng mga televiewers.

Masaya rin si Andre dahil tanggap ng mga manonood ang tambalan nila ni Barbie Forteza, same way na tanggap din ng mga tagahanga na may isa pa siyang kalove-team sa katauhan naman ni Yassi Pressman.

Kami ni Barbie, two years na kaming magkasama because of ‘The Half Sisters’ and I’m really thankful to her kasi she accepted me to be her leading man kahit bagung-bago lang ako that time. She really guided me in our scenes together and she’s really good at what she does as a drama actress. Si Yassi naman, nakapareha ko sa movies and we’re doing mostly comedy. I’m happy with both of them na sila ang mga nakatrabaho ko. Masaya sila pareho sa set and I’m just thankful that our fans are understanding. I’m  happy rin kasi ‘The Half Sisters’ was my first show and I’m able to work with great actors and actresses. Ang dami ko pong natutuhan. And whatever we do there, kung ano po yung ibinibigay sa amin ng network, we’re doing our best na magkaroon ng magandang show for everybody,” pagtatapat ni Andre.

Kumpara sa ibang young stars na kailangang ma-link sa isa’t isa, hindi kinailangan nina Andre at Barbie na magkaroon ng romantic angle at mapabalitang nagliligawan para pakiligin ang fans. Pagsang-ayon ng anak ni Benjie Paras, “Oo nga po. What’s important is the story is great and everyone can relate. Ang habol ng tao dito ay kung paano mo i-portray ng tama ang character mo at pati ang performance mo. And I’m very thankful nga na nagagawa po namin nang maayos ang trabaho namin.

Kadalasan, ang mga tagahanga ay nangangarap na magkatuluyan ang kani-kanilang iniidolo, posible nga ba ito kina Andre at Barbie?

We’ll never know. Pero we’re thankful sa supporters namin. We won’t do anything to make them sad or mad. Kasi, we’re always here for them at importante yun para ma-boost ang following mo.

May katwiran si Andre na mas importante sa ngayon para sa kanila bilang bagong love team ay mag-focus. Bago pa lang ang kanilang love team kaya mas mabuting magpakita sila bilang role model sa kabataan. Love will come and only time can tell. At yun ang paniniwala ni Andre. Nagpapasalamat si Andre Paras sa kanyang fans at supporters dahil tanggap ng mga ito kahit sino man ang i-partner sa kanya.

Sa ngayon kasi ay itinatambal si Andre sa pelikula kay Yassi Pressman, habang sa telebisyon naman ang ka-love team niya ay si Barbie Forteza.

In this world kasi ng showbiz, we’re here kasi to entertain people. And I’m really happy na kahit sino po ang ka-love team ko ay nae-entertain at napapasaya po namin yung fans po namin.

Para naman kay Barbie Forteza, hindi kaila na isa siya sa hottest teen stars ng GMA 7 at pagkatapos ng success ng “The Half Sisters” ay ibinigay sa kanila ni Andre ang “That’s My Amboy.” Malaki ang expectations ng GMA 7 kina Barbie at Andre kaya inilagay sila sa primetime pero ayaw nilang magpa-pressure dahil hindi sila nakikipag-kumpitensiya sa kahit na kaninong love team.

Sa ‘Half Sisters’ noon, we never expected it to be such a big hit na halos abutin ng two years on the air. Basta we just did our best at yun, nagustuhan ng viewers. So ganun din dito sa ‘That’s My Amboy’. We’ll just do our best.

Hindi kasing dramatic na tulad ng “The Half Sisters” ang “That’s My Amboy” dahil ito ay isang romance comedy at very light para mas ma-appreciate ng mga kabataan.

Hopeful sina Barbie at Andre na sana ay kung hindi man mapantayan ng “That’s My Amboy” ang itinagal ng “The Half Sisters” sa ere ay tatangkilikin ng mga fans ang kanilang teleserye. Bukod sa kanila ay kasama rin sa casts ang mga batikang artista bilang suporta, sina John Arcilla, Donita Rose, Tonton Gutierrez, Meryll Soriano, Kiko Estrada at Matet de Leon.  Ang teleserye ay idinerehe ni Bb. Joyce Bernal.