Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Honey Walnut Prawns

Sangkap:

Deep Fried Prawns

  • 400g prawns, tanggalin ang balat at i-devein
  • 2 puti ng itlog ( egg whites)
  • 1/2 tasang cornstarch
  • asin
  • mantika

Candied Walnuts

  • 1/2 tasang walnuts
  • 1/2 tasang asukal
  • 1/2 tasang tubig

Sweet Mayonnaise Sauce

  • 4 kutsarang mayonnaise
  • 1/2 kutsarang honey
  • 1 kutsarang condensed milk
  • 1 kutsarang lemon juice
Paraan:

Deep Fried Prawns

  1. Initin ang kawali at lagyan ng mantika na tama pang-deep fry.
  2. Punasan ang prawn ng paper towel. Ilagay sa mangkok kasama ang puti ng itlog at asin.
  3. Ilagay ang corn flour sa isang lalagyan na may takip at ilagay ang prawns isa-isa, takpan ang container at alugin ang prawn sa loob hanggang mabalutan ng corn flour ang prawn. Ganun din ang gawin sa iba pang prawn.
  4. I-deep fry ang prawn, isa-isa sa loob ng 30 hanggang 40 segundo, Hanguin mula sa kawali at ilagay sa plato na may paper towel para sipsipin ang sobrang mantika. Itabi.

Candied Walnuts

  1. Hugasan ang walnut ng tubig, i-drain at itabi.
  2. Ilagay ang asukal at tubig sa saucepan, pakuluin. Hayaang kumulo hanggang mabawasan ang tubig at lumapot. Haluin para maiwasang masunog ang asukal.
  3. Ilagay ang walnuts at hayaang kumulo habang hinahalo sa loob ng 3 minuto.
  4. Hanguin ang walnut at ilagay sa waqx paper upang matuyo at tumigas.

Sweet Mayonnaise Sauce

  1. Sa isang mangkok, pagsama-samahin ang mayonnaise, honey, condensed milk at lemon juice.
  2. Ilagay ang deep fried prawns at haluin upang mabalutan ng mayonnaise sauce
  3. Ilagay ang coated prawns sa isang serving plate kasama ang candied walnuts at ihain.

Para sa iba pang recipes, puntahan lamang ang http://www.angsarap.net