Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Beef and Spinach Cannelloni

Sangkap:

Meat Sauce

  • 700g giniling na baka
  • 3 tangkay ng celery, tadtarin
  • 1 malaking sibuyas, tadtarin ng maliit
  • 1 packet ng spinach,tadtarin
  • 1 malaking lata ng whole tomatoes, hiwain
  • 1/3 tasang tomato paste
  • 1/3 tasang fresh cream
  • 3 kutarsang tinadtad na basil
  • 1 kutsaritang dried oregano
  • 2 kutsarang lemon juice
  • 6 pirasong bawang, pitpitin at hiwaqing maliit
  • olive oil
  • asin
  • paminta

Béchamel Sauce

  • 30g butter
  • 1/3 tasang flour
  • 350ml whole milk
  • 1 pirasong bawang, pitpitin at hiwaing maliit
  • parmesan
  • mozzarella

Pasta

  • 6 na pirasong cannelloni tubes o 6 sheets ng lasagne
    Note: para sa dried lasagne, ibabad ito sa mainit na tubig hanggang sa ito ay lumambot na pwedeng i-rolyo.
Paraan:
  1. Sa isang heavy pan, maglagay ng olive oil at igisa ang bawang at sibuyas.
  2. Idagdag ang celery at lutuin hanggang ito ay lumambot.
  3. Ilagay ang giniling na baka at lutuin hanggang maging kulay brown.
  4. Idagdag ang chopped tomatoes, tomato puree at dried oregano, pakuluin sa loob ng 10 minuto.
  5. Ilagay angspinach, cream at lemon juice, lutuin sa loob ng 2 minuto at patayin ang apoy.
  6. Ilagay ang basil at lasahan ng asin at paminta. Itabi at hayaang lumamig ng kaunti.
  7. Sa isang baking dish( rectangular ), maglagay ng layer ng sauce sa ilalim bilang base.
  8. Lagyan ang bawat lasagne sheets ng meat mixture at i-rolyo ito. Ilagay ito sa baking dish at ang dulo ay sa ilalim para hindi bumuka ang rolyo. Kung gagamit naman ng cannelloni, sundin ang packet instructions at lagyan ang bawat tube ng meat mixture. Mag-iwan ng konting meat mixture para mapunan ang bawat siwang sa pagitan ng bawat cannelloni roll. Itabi ang baking dish.
  9. Sa sauce pan, tunawin ang butter sa mababang init. Kapag natunaw na ang butter, ilagay ang flour upang mag-form ng roux.
  10. Ilagay ang bawang at ibuhos ang gatas ng dahan dahan hanggang lumapot at mawala ang mga buo-buong harina.
  11. Ibuhos ang sauce sa ibabaw ng canneloni dish, lagyan ng maraming parmesan cheese sa ibabaw at lagyan ng maraming mozzarella cheese sa ibabaw.
  12. I-bake sa 200C preheated na oven sa loob ng 35-45 minuto hanggang ang ibabaw ay magkulay golden brown.

Para sa iba pang recipes, puntahan lamang ang http://www.angsarap.net