Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Hinanggup

Ang ibig sabihin ng Hinanggup (Hiligaynon word), ay ibinabad sa “asin at tubig.”   At ito ang eksaktong tawag sa ulam na ito, “Karay” isang klase ng ulam na kung saan ang hinimay na broiled fish o dried na dilis, hiniwang sibuyas, spring onion, kamatis at asin na niluto sa kumukulong tubig.

Sangkap

  • 6 sections ng bangus/milkfish belly
  • 3 tangkay ng spring onion, tadtarin
  • 1 malaking sibuyas na pula, hiwaing manipis
  • 6 pirasong kamatis, hiwain
  • ½ lemon
  • asin
  • paminta
  • tubig

Paraan

  1. Lagyan ng asin at paminta ang isda.
  2. Ilagay ang isda sa greased oven grill pan, nasa itaas ang balat, ilagay ang 1 tasang tubig sa pan at ilagay sa oven na ang setting ay “grill”. I-grill ito sa mataas na temperatura ng apoy (broil setting) at iluto sa loob ng 8-10 minuto hanggang makita ang marka ng grill sa isda.
  3. Alisin ang isda mula sa oven at itabi ang liquid mula sa pan.
  4. Sa isang maliit na pot, maglagay ng 4 na tasang tubig at isama sa itinabing liquid at pakuluin.
  5. Idagdag ang kamatis, sibuyas na pula at spring onion at ituloy ang pagluluto sa loob ng 1 minuto sa katamtamang init ng apoy.
  6. Himayin ang broiled fish at ihalo sa sabaw at ibaba ang apoy at pakuluin pa sa karagdagdang 2 minuto.
  7. Lasahan ng asin at pigaan ng lemon sa ibabaw at patayin ang apoy at ihain.

Para sa iba pang recipes, bisitahin ang www.angsarap.net