Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Chicken and Okra Stew

Ang okra ay kadalasang nakakasama sa pakbet o sinigang.  Ang lutuing ito ay nabuo sa pagsasama ng left overs na nakikita natin sa loob ng ref.  Makikita ang resulta na medyo malagkit, madulas at malasa. Sa kabuuan, nakapag-create tayo ng bagong ulam na healthy at masarap.

Sangkap

  • 8 pirasong chicken legs
  • 500 g sariwang okra, i-trim at hiwain sa dalawa
  • 2 tasang chicken stock
  • 400 g tinadtad na kamatis
  • 2 kutsarang tomato paste
  • 1 kutsaritang paprika
  • ½ kutsaritang cumin
  • ½ kutsaritang cayenne
  • 1 malaking carrots, hiwaing pakuwadrado
  • 2 tangkay na celery, hiwaing malilit
  • 1 malaking sibuyas, tadtarin
  • 6 pirasong bawang, tadtarin
  • patis
  • mantika
  • asin
  • paminta

Paraan

  1. Lagyan ng asin at paminta ang chicken legs. Painitin ang mantika sa isang kaserola at ilagay ang chicken legs at iluto hanggang magkulay brown. Hanguin mula sa kaserola at itabi.
  2. Ihalo ang sibuyas, celery at carrots at igisa sa loob ng 5 minuto. Idagdag ang bawang at ituloy ang paggigisa sa karagdagang 1 minuto.
  3. Ibuhos ang chicken stock at tinadtad na kamatis at pakuluin.
  4. Ilagay ang chicken, paprika, cumin at cayenne, pakuluin at hayaang kumulo sa mahinang apoy sa loob ng 20 minuto.
  5. Ilakas ang apoy at idagdag ang okra at pakuluin pa sa karagdagang 10 minuto.
  6. Lasahan ng patis at paminta at ihain.

Para sa iba pang recipes, bisitahin ang www.angsarap.net

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *