Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Travel

Hello Kitty’s Theme Park

Ang Sanrio Puroland ay makikita sa Tama City ng Tokyo. Itinayo noong 1990, ang Sanrio Puroland ay mayroong three-story indoor theme park. Maliit man ang theme park na ito, maraming cute o kawaii ang makikita rito dahil sa mga makukulay at Sanrio-inspired na disenyo ng naturang lugar. Maaari ring makita ang mga Sanrio character tulad nina Hello Kitty, My Melody, Cinnamoroll at iba pa! Kahit ikaw ay hindi fan ng Sanrio, ikaw ay mag-eenjoy lalo’t accessible ito.

Hindi tulad ng ibang theme parks sa Japan, ang Sanrio Puroland ay maaaring puntahan all year round. Dahil ito ay indoor, kahit anong oras, season o panahon ay maaaring bisitahin ito. Kadalasan crowded sa panahon ng tag-init lalo na tuwing may parades o shows.

Dahil sa mga makukulay na costume, props at nakakaengganyong musika, siguradong magugustuhan ng mga bata at kahit matatanda kapag nagperform na ang mga Sanrio character. Magkakaroon ka rin ng chance to get up close sa mga Sanrio character. Mas mainam na alamin ang schedule ng parade at show ng parke para makahanap ng best spot ng mas maaga.

Mayroong dalawang rides ang Sanrio Puroland. Ang una ay ang Mymeroad Drive kung saan dinadala ang guest sa Mariland. Ang isa ay ang Sanrio Character Boat Ride na isa sa mga popular na atraksyon. Ngunit, ito ay temporarily closed at magbubukas sa mid July 2020.

Para sa millennial na mahilig magpost ng cute photos sa kanilang social medias, maraming iba’t ibang photo spots sa loob ng Sanrio Puroland. Nariyan ang sikat na Hello Kitty’s House, Gudetama Land and Kiki & Lala Twinkling Tour.

Get the chance to meet your favorite SANRIO characters and be immersed in the world of Hello Kitty.

TICKET SALE !!!
ADULT AND CHILD
Now on it’s cheaper rate ¥2,100 (Original price¥3,900)

Address: 206-8588 Tokyo, Tama, 1 Chome-31 Ochiai
Nearest Station: Keio Tama Center Station
Operating Hours: 9:30am – 5:00pm Except Closed Days
Contact Number: +81-42-339-1111
Website: https://en.puroland.jp/