Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Health

Milk for Body and Health

Gatas

Ang gatas ay parte na ng ating pang-araw-araw na diyeta sa loob ng ilang daang libong taon. Ito ay nagtataglay ng iba’t ibang klase ng bitamina at mineral na kailangan ng kalusugan. Ang gatas ay isang kumpletong pagkain.

Ayon sa matatanda, bagaman masarap na inumin ang gatas kapag mainit, ito ay hindi dapat na pakuluin ng matagal dahil nagbabago ang enzyme structure nito.

The Best Time To Drink Milk

Sa umaga ang pinaka “Da Best” na inumin ay gatas. Ito ay nada-digest o natutunaw sa init ng araw. Ang gatas ay dapat iniinom 3 oras bago matulog. Huwag matulog pagkatapos itong inumin. Ang pag-inom ng sobrang init na gatas ay maaaring mabigay ng hangin sa sikmura na dahilan upang ikaw ay magpalabas ng hangin sa buong magdamag o maging iritable dahil kukulo ang inyong tiyan.

How To Drink Milk

Ang pinakamahusay na gatas ay ang fresh milk na kagagaling lamang sa ginatasang kalabaw. Kung kinakailangan, ang gatas ay dapat pakuluan at inumin ito ng maligamgam. Huwag pakuluan ng matagal ang gatas dahil nasisira ang nutrients na taglay nito.

Ang gatas na kakukuha pa lang sa kalabaw ay maligamgam at malinis na katulad ng gatas ng isang ina. Sa ganitong mga panahon, ang makikita mo na lang lalo na sa siyudad ay mga naghahatid ng gatas na nakalagay sa bote, tetra pack o poly packs. Noong unang panahon, sa mga probinsiya, mayroon silang mga kalabaw na ginagatasan upang doon makakuha ng gatas na fresh.

Sweetness in Milk

Ang paglalagay ng asukal sa gatas ay nakakabuo ng uhog. Kadalasan, ang gatas ay nilalagyan ng asukal bago inumin. Sa ganitong pagkakataon, nasisira ang calcium na taglay ng gatas kaya hindi dapat gumamit ng asukal sa gatas kapag ito ay iniinom. Ang gatas ay may natural na tamis na taglay. May mga taong sanay na uminom ng gatas ng walang asukal at kung tatanungin mo sila sa lasa ng gatas ay sasabihin nilang masarap at matamis ito. Ngayon, kung gusto mo talagang matamis ang iyong gatas ay maiging lagyan ito ng honey.

To Digest Milk Faster

Ang pag-inom ng gatas ay nagbibigay ng pagkakaroon ng hangin sa tiyan at pakiramdam na busog ( sa ibang tao) dahil hindi ito natunaw. Upang maiwasan na magkaganito, lagyan ng honey ang iniinom na gatas upang maiwasan ang pag-porma ng hangin at mas madaling matunaw sa tiyan. Ang pagdaragdag ng orange juice o sweet lime juice ang makakatunaw sa gatas ng mas mabilis. Ang iba naman ay naglalagay ng dinurog na almonds o buto ng kasoy o di kaya naman ay pasas ( raisin) sa gatas upang madali itong matunaw. Ang pagsipsip ng limon pagkatapos uminom ng gatas ay nakakatulong din na matunaw ang gatas ng mabilis. Kung sakaling nagdulot ng hangin sa tiyan, maglagay ng piraso ng luya o pinulbos na luya ( ginger powder) at ilang pirasong pasas. Pakuluin at saka inumin ang gatas.

Nutrients in Milk and Their Benefits

Ang gatas ay mayroong sangkap na nakapagpapalusog ng katawan ng isang tao. Ito ang pinagmumulan ng protina at enerhiya na kailangan natin upang gumana ang ating katawan.

Ang calcium ay tumutulong upang ma-proteksiyonan tayo laban sa cancer at ibang kemikal na nakaka-cancer, bone loss, arthritic conditions, migraine o headaches, premenstrual syndrome, osteoporosis at fractures. Ang gatas din ay tumutulong upang mabawasan ang pagkabulok ng ngipin. Ang pagkabulok ng ngipin ay sanhi ng asukal na inilalagay sa gatas at hindi mismo nagmumula sa gatas.

Ang gatas ay may may tamang lebel ng iodine na tumutulong sa thyroid function. Ang madalas na pag-inom ng gatas ay nagpapataas ng libido, semen quality at nakakatulong din sa erectile dysfunction.

Ang potassium sa gatas ay nagbibigay proteksyon sa ating puso at upang mapanatili ang tamang lebel ng ating blood pressure. Ang gatas din ay maiging hydration fluid. Ang gatas ( pinulbos) ay nakakapagpakinis at nagpapalusog ng ating balat kapag ipinahid ito. Ang lactic acid ang naga-alis ng dead skin cells natin, pinapalitan ng bago at malambot ng balat.

Health Benefits Of Milk

  • Freshly Milked Milk

Ang gatas na galing sa baka na ka-gagatas pa lamang ay hindi dapat painitan. Lagyan ng candy sugar o honey, pasas ( na ibinabad ng ilang oras) at tubig. Ang pag-inom sa loob ng 40 araw ay magbibigay ng paglinaw ng mata, pagtalas ng memorya at paglilinis ng semen. Ito ay kapaki-pakinabang din sa mga taong laging may pangangati sa katawan, TB, hysteria, irregular heart beat at sa mga batang mahina ang pangangatawan.

  • As A Strength Promoter

Kung ang bata ay payat at mahina ang pangangatawan, dagdagan ng almonds( durugin o pulbusin) ang gatas bago ito ipainom sa kanya.

Magdagdag ng 250 gramo ng maliliit na piraso ng carrots sa isang 500ml. na gatas. Pakuluin at hayaang lumamig para mainom ng maayos. Ang gatas ay natutunaw ng mabilis, nililinis nito ang tiyan at magbibigay ng iron sa inyong katawan.

  • In Acidity And Heart Burn

Uminom ng malamig na gatas 3 beses sa isang araw.

  • In Hiccups (Sinok)

Ang pag-inom ng mainit na gatas ay nakakapagtanggal ng sinok.

  • For Dark Lips

Lagyan ng pinulbos na saffron ang fresh milk at i-masahe sa labi upang magkaroon ng mas light na kulay ang labi.

  • For Freckles, Spots, Pimples, pustules On The Face

I-masahe ng maligamgam na tubig bago matulog at hugasan din gamit ang gatas. Pagkatapos ng 1/2 oras, hilamusan ng tubig. Ang pagmamasahe ng gatas sa mukha ay nagtatanggal ng spots sa mukha. Kung pakukuluin ang gatas at palalamigin ng kaunti, makikitang may namumuong froth sa ibabaw. Ito ang mahusay na pangtanggal ng spots at pimples.

  • In Body Itching

Maglagay ng tubig sa gatas at ipahid sa nangangating lugar ng katawan gamit ang cotton swab. Hugasan pagkatapos.

  • In Eye Problems

Ibabad ang cotton pad sa gatas kung ang mga mata ay namumula, kung ito ay masakit o kung may injury. Idampi ito sa mata. Kung ang mata ay sensitibo sa ilaw, 2 patak ng gatas ang mahusay na gamitin.

Kung sakali ikaw ay napuwing at nahihirapan kang tanggalin, 3 patak ng gatas sa mata at ito ay matatanggal ng mabilis dahil sa sangkap ng gatas na fat.

  • In Bladder Diseases

Maghalo ng jaggery powder sa gatas at inumin.

  • In Diarrhea

Sa pagtatae ng mga bata, maglagay ng isang kurot ng cinnamon powder sa mainit na gatas bago ipainom. Sa matatanda, doblehin ang dami ng cinnamon.

  • For Good Digestion And Calm Sleep

A. Magpakulo ng gatas na may 2 kutsaritang clarified butter ( unsalted butter na tinunaw) o 1/2 kutsaritang kinudkod na nutmeg at 1/2 kutsaritang coriander powder.

B. Magpakulo ng isang tasang gatas na may halong 1 tasang tubig na may kinudkod na luya at 3-4 na cardamom sa mababang init sa loob ng 5 minuto. Ihalo ang 1/2 kutsaritang clarified butter bago inumin.

Comments are closed.