Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Miscellaneous

GETTING RID OF FLIES

Simple, Mura, at Epektibong Paraan ( Upang Mapuksa ang Langaw)

Langaw o fruit flies o vinegar flies o kahit pa anong tawag sa kanila, sa inyong tahanan ay lagi nyo silang nakikita lalo na sa ibabaw ng mga prutas lalo na kung ang prutas ay medyo over ripe na. Minsan kapag nakikita mo ang mga ito ay naiirita ka na rin. Kahit saan ay makikita ang mga fruit flies na para bang kung saan-saan sila nanggagaling.

Kapag hulihin mo naman ay nakapahirap, pwera na lang kung mayroon kang pandikit na kung saan sila ay mae-enggayong lumapit at bigla silang didikit.

Mayroon ding paraan upanga mapaalis o mapuksa ang mga ganitong klaseng langaw. Narito ang ilang mga kakailanganin na gagamitin;

  • Isang maliit na lalagyan (maaaring babasagin o plastik o kahit na isang lumang mug o tasa.)
  • Cider Vinegar
  • Dish Soap ( sabong likido na panghugas ng pinggan)
  • tubig
  • kutsara (panghalo)
  • maliit na hiwa ng prutas (optional)

Paraan:

  1. Maglagay ng ilang patak ng dish soap sa lalagyan.
  2. Ihalo ang isang parte ng cider vinegar.
  3. Ihalo ang tubig.
  4. Haluin ng marahan para maiwasang bumula.
  5. Ilagay ang ilang maliliit na piraso ng prutas ( opsyonal dahil makakahuli pa rin naman ito kahit walang prutas na gamit.
  6. Ilagay ang inyong trap kung saan nakakulumpol ang mga fruit flies at ilagay ito sa mga lokasyon kung saan laging nakikita ang mga ito. Makikita na madaling maengganyo ang mga langaw dito.

Why the traps work

Ang amoy ng cider vinegar ay nakaka-attract sa mga fruit flies. Gustung-gusto nila ang amoy nito at ang paglagay ng maliliit na hiwa ng prutas ay nakakatulong kahit na hindi naman talaga kailangan. Kung maglalagay kayo ng prutas, ingatan na hindi ito magamit ng mga fruit flies (sakaling sila ay ma-trap) na gamitin nila ang mga prutas na tuntungan o bridge para makawala sila.

Ang paglalagay ng suka ay hindi dapat sobra dahil tatapang ang amoy nito at para na rin magamit pa sa susunod. Hindi na rin kailangang napakalalim ng inyong trap dahil maliliit lamang ang langaw na ito.

Ang dish soap ang magbibigay dulas sa gilid ng trap upang hindi makakapit ng husto ang mga langaw at siguradong sila ay lulubog agad sa ilalim.

Paraan upang maiwasang pasukin ng mga fruit flies ang tahanan

Lingid sa kaalaman ng iba, ang mga maliliit na langaw na ito (fruit flies) ay mabilis na dumami (sa loob lamang ng 2 linggo) lalo na sa ganitong panahon ng tag-init kung saan sila ay madaling nae-engganya sa mga prutas na madaling mahinog. Dahil dito, mahalaga na ilagay ang inyong mga prutas sa loob ng refrigerator. Ang saging ay hindi dapat ilagay sa loob ng refrigerator dahil ang balat nito ay madaling mangitim dahil sa lamig. Ang mga fruit flies ay naa-attract din sa mga gulay, maging sa patatas kaya ilagay ito sa loob ng ref.

Linisin ang mga tulo ng fruit juices na iniinom lalo na sa pasimano. Hugasan ang mga kutsilyo o kutsara o tinidor na ginamit sa prutas at mga baso na ginamit sa pag-inom ng fruit juices.

Imbes na itapon ang mga prutas (sobrang hinog) sa regular na basurahan mas mabuting gumawa ka ng isang basurahan na lalagyan ng mga nabubulok na prutas at siguruhing takpan ng maigi upang hindi mapasok ng langaw. Dapat tandaan na ang mga basurahan na hindi natatakpan ng maigi ay pinamumugaran ng langaw at kung anu-anong nagliliparang insekto.

Siguraduhing walang natapon o nasa sahig na maliliit na piraso ng prutas maging sa gilid-gilid ng kitchen appliances na maaaring pamugaran ng mga itlog ng langaw.

Makikita mong marami kang fruit flies sa inyong drain. Ito ang indikasyon na maraming maliliit na insekto na naglipana sa inyong sink o lababo. Kapag ganito ang siste, ang pinakamabuti ay gumamit ng commercial gel na maaaring ibuhos sa inyong lababo upang kapag huhugasan na ay sasama ang maliliit na insekto.

Canned fruit or wine

Kung ikaw naman ang taong mahilig ilata at i-preserve ang inyong prutas o di kaya kapag ikaw ay nagpe-ferment ng inyong alak, siguruhing mahigpit ang takip ng mga ito. Kung magkakaroon ang mga fruit flies ng pagkakataon na may mapasok silang siwang, sila ay mangingitlog doon para ang kanilang mga anak ay may pagkain kapag sila ay lumabas na sa itlog.

Fruit flies as a crop pest

Ito ang isa sa dahilan kung bakit hindi pinapayagan na magpasok ng prutas mula sa isang bansa tungo sa isang bansa dahil ang fruit flies ay seryosong peste ng mga prutas. Ang itlog nila na nakadikit sa prutas ay maaaring madala sa iba’t ibang bansa na maaaring maging peste sa ibang farm sa iba’t ibang lugar sa mundo.

Ang mga fruit flies ay seryosong peste sa agrikultura at dahilan ito upang malugi ng bilyong dolyares dahil sa pagkabulok ng mga prutas. Ang mga prutas na madalas na naaapektuhan ay ang oranges o citurs fruits, mansanas, mangga at maging ang bulaklak ng sunflower.

Hindi lamang nila binubulok ang prutas kundi hindi na makain ang mga ito dahil nagkakaroon ng mikrobyo ang mga prutas o gulay na nape-peste ng mga ito at nagdadala ng iba’t ibang klase ng sakit.