Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

GMA Network’s Dragon Lady

May swerte. May sumpa. May sikreto.

Isa pang hinihintay ng television viewers ay ang Dragon Lady. Istorya ng pag-ibig at paghihiganti. Ang maintrigang alamat ng pagsamba sa dragon sa isang Filipino-Chinese community sa pamamagitan ng Afternoon Prime fantasy drama ang Dragon Lady. Pangungunahan nina Janine Gutierrez at Tom Rodriguez. Ang Dragon Lady ay kanilang first team up.

Gagampanan ni Janine ang papel bilang si Celestina Sanchez, isang dalaga na ipinanganak na may pagka-dragon ang katangian.  Ang kanyang physical traits at mystical power ay magpapamalas ng kanyang pagiging independent at mabangis na lady boss.
Si Tom naman ay gaganap bilang si Michael Chan, isang Filipino-Chinese. Adventurous at non-conformist, umiiwas siyang makialam sa kanilang family business subalit napilitang gawin at naging instrumento para pabagsakin ang dragon lady na malaunan ay kanyang natutunang mahalin.


Makakasama sa cast sina James Blanco as Bryan Atienza, ama ni Celestina; Diana Zubiri as Almira Sanchez, ina ni Celestina; Maricar De Mesa bilang Vera Lim-Chua, Joyce Ching bilang Astrid Chua, at Edgar Allan Guzman bilang si Goldwyn Chen. Ang Dragon Lady ay ididirehe ni Paul Sta. Ana.