Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Travel

Exploring the Beauty of Nature

Ang 10-day holiday sa Japan sa panahon ng Golden Week ay mahalaga para sa pamilyang gustong magbakasyon grande. Maraming pwedeng puntahan para makapag-relax tulad ng pag-e-explore ng iba’t ibang lugar. Narito ang ilan sa listahan ng tourists’ attractions:

Shodoshima (Kagawa-ken)

Ang Shodoshima ay isa sa pinakamalaking isla sa Seto Inland Sea at naunang island sa Japan. Ang pangalan ay may kahulugan na “small bean island,” na ibig sabihin ay azuki bean. Taun-taon ay maraming bumibisita sa islang ito at nakaka-attract sa mga turista ang Mediterranean atmosphere dahil sa ino-offer nito ang beaches, resorts, coastal sceneries.

Access: Galing sa Tokyo, Takamatsu ang pinakamalapit na city sa Shodoshima. Sakay nang tren, bumaba sa Takamatsu at tsaka sumakay sa ferry papunta sa isla.

Kiso Valley (Nagano-Ken)

Kiso valley is the old town or Japanese traditional wooden buildings for the travelers walking at historic old street in Narai-juku , Nagano Prefecture, JAPAN.

Matatagpuan sa gilid ng mga bundok ng Central Alps sa Nagano Prefecture. Ang isang sinaunang 70 kilometro na ruta ng kalakalan na tinatawag na Kisoji ay binuo sa kahabaan ng lambak at nagsilbi bilang isang napakahalagang paraan ng komersiyo sa lugar. Ang Kisoji ay sinamahan ng iba pang mga ruta sa pagbuo ng 500 km na haba ng Nakasendo. Ang Nakasendo (“landas sa pamamagitan ng mga bundok”) ay isa sa dalawang paraan ng transportasyon sa pagitan ng Edo at Kyoto. Makikita ang isa sa sikat na atraksyon dito ay ang Tsumago na isang post town sa Nakasendo route sa pagitan ng Kyoto at Edo. Ang mga kotse ay ipinagbabawal sa pangunahing kalye sa araw at maging ang telepono at power cables ay ipinagbawal upang mapanatili ang lugar at mapahintulutan ang mga bisitang manumbalik ang nakaraan.

Access: Madalang ang pagdaan ng bus na kunektado sa JR Nagiso Station, ang pinakamalapit na istasyon ng train papunta Tsumago. Ang one-way trip ay tumatagal ng pitong minuto sa halagang 300 yen. Maaari rin maglakad sa pagitan ng Nagiso Station at Tsumago na tatagal sa isang oras.

Kenrokuen Garden (Kanazawa-ken)

Ang Kenrokuen sa Kanazawa ay isa sa klasipikadong “three most beautiful landscape gardens” sa Japan kasama ang Mito’s Kairakuen at Okayama’s Korakuen. Binuksan sa publiko noong 1871, ang Kenrokuen ay nagpapakita ng maraming mabulaklak na puno na may iba’t ibang kulay sa bawat season.

Access: Ang Kenrokuen ay isang stop lang sa Kanazawa Loop Bus (stop numbers LL9 and RL8) at Kenrokuen Shuttle Bus (stop number S8). Ang one-way ride mula sa Kanazawa Station ay aabot ng 20 minuto at nagkakahalaga ng 200 yen (100 yen pag weekends/holidays in the case of the Kenrokuen Shuttle Bus).

Ang madalas na dumaraang Hokutetsu buses ay tumatakbo sa pagitan ng Kanazawa Station (East Exit bus stop number 3) at Kenrokuen (15 minutes, 200 yen one way). Bababa ng Kenrokuen-shita bus stop na maikling lakaran mula sa castle park. Mayroon din 1-3 JR buses na tumitigil oras-oras mula Kanazawa Station (East Exit bus stop number 4) na sakop ng Japan Rail Pass.

Sagano Bamboo forest of Arashiyama (Kyoto-fu)

Ang Arashiyama ay isang maayang tourist district sa kanluran ng labas ng Kyoto. Ang Arashiyama ay partikular na sikat sa panahon ng cherry blossom at taglagas dahil sa mga punong hitik na may makukulay na bulaklak.

Access: Ang pinakamabilis na pag-access mula sa Kyoto Station papuntang Arashiyama ay via JR Sagano Line (kilala rin bilang JR Sanin Line). One-way ride mula sa Saga-Arashiyama Station na tumatagal ng 15 minuto at nagkakahalaga ng 240 yen. Mula sa Saga-Arashiyama Station, maaabot ang central Arashiyama sa loob ng 5-10 minutong lakad.

Nanzoin Temple (Fukuoka-ken)

Ang Nanzoin Temple ay nasa area ng Sasaguri ng Fukuoka Prefecture at tahanan sa napakalaking reclining Buddha na tinatabunan ang mas popular na nakaupong giant bronze Buddha statues ng Kamakura at Nara. Ang templo ay sikat dahil sa kuneksyon nito sa Sasaguri Pilgrimage at milyong mga bisita na pumupunta rito upang kumpletuhin nila ang kanilang tradisyunal na sagradong paglalakad taun-taon.

Access: Tatlong minutong paglalakad mula sa Kido Nanzoin-mae Station sa JR Sasaguri Line. Ang express train mula sa Hakata Station ay may 21 minuto na biyahe samantalang sa local train naman ay 24 minuto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *