Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Ginisang Monggo with Pork Pata

Ang Ginisang Monggo with Pork Pata ay lutuing Pinoy kung saan ang mga sangkap ay munggo at pata ng baboy na niluto sa maraming bawang. Lutuin ang pata hanggang maging sobrang lambot nito.

Sangkap:


1 kg pork leg, putulin by section
1 1/2 tasang munggo
1 litrong pork o chicken stock
1 bungkos ng spinach (optional)
1 buong ulo ng bawang, pitpitin at hiwaing maliit
patis
paminta
mantika

Paraan:


1. Igisa sa pot ang bawang hanggang mag-golden brown at hanguin at itabi.
2. Ilagay ang pork legs at i-prito hanggang mag kulay brown ang lahat ng sides nito.
3. Idagdag ang munggo at stock at pakuluin sa loob ng 1 1/2 oras hanggang ang baboy ay lumambot ng husto. Dagdagan ng tubig kung kinakailangan at kung sobrang lapot.
4. Ilagay ang Spinach at lasahan ng patis at paminta.

Recipe credits to www.angsarap.net