Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Gina Alajar, balik-acting

Si Gina Alajar ay gaganap sa isang role bilang isang napakasamang kontrabida at ito ay sa bagong teleserye ng GMA 7, ang “Magkaibang Mundo.” Ipinatawag daw siya ng GMA 7 management at pinapabalik siya sa pag-aartista.

“Sabi ko, bakit ako? Kasi raw, they want me to give a new look sa kanilang afternoon dramas. So, kaya heto, ginawang blonde ang buhok ko for my role. They said my role is parang yung kay Meryl Streep in “The Devil Wears Prada.” Tunay ngang nag-iba ng hitsura si Gina para sa afternoon teleserye na ito. Siguradong magugustuhan ito ng marami dahil kakaibang aktingan galore na naman ang inyong matutunghayan tuwing hapon sa GMA 7. Kasama rin sa “Magkaibang Mundo” ang bagong love team nina Louise delos Reyes at Juancho Trivino, Gabby Eigenmann, Rez Cortez at Assunta da Rossi.

“Very challenging ang role ko at tiyak na maraming masusuklam sa akin as Noreen kaya abangan ninyo,” dagdag ni Gina. Isa si Gina sa mahuhusay na in-house director ng GMA 7. Nagko-conduct din siya ng mga acting workshops.