Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Drew Arellano, Iya Villania, magkaka-baby na

Excited na ang mag-asawang Drew Arellano at Iya Villania nang ibinalita nila na nagdadalang-tao na si Iya. Sa loob ng ilang taong paghihintay ay sa wakas nabiyayaan na rin sila supling.

Si Iya na galing ABS-CBN ay muling bumalik sa GMA 7 at naging busy sa mga shows na “24 oras,” “Lip Sync Battle Philippines” at “Because of You.” Samantalang si Drew Arellano naman ay busy sa pagho-host ng “AHA!,” isang infotainment program ng GMA 7 at ang “Biyahe ni Drew” kung saan nakikita siya sa iba’t ibang lugar ng Pilipinas. Busy man ang mag-asawa sa kani-kanilang mga skeds ay hindi pa rin nila nalimutan ang kanilang responsibilidad bilang mag-asawa, ang bumuo ng pamilya na alam ng kani-kanilang mga kaibigan at pamilya na matagal na rin nilang pinangarap.  

Comments are closed.