Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Garbanzos con Patas de Cerdo

Sangkap

Sofrito

  • 1 malaking red capsicum (bell pepper), alisan ng buto at tadtarin
  • 2 malaking kamatis
  • 1 katamtamang laki ng sibuyas, balatan
  • 6  piraso ng bawang, balatan
  • 2 tangkay ng dahon ng cilantro
  • 2 tangkay ng dahon ng parsley

Pork Leg Stew

  • 1 1/2 kg pork hock, hiwain ng 1 inch na kapal bawat piraso
  • 2-3 tasang lutong chickpeas
  • 1/4 butternut, hiwaing ng pakuwadrado
  • 1 red capsicums (bell pepper), hiwain
  • 1/2 tasang tomato paste
  • 3 tasang tubig
  • 3 tasang pork stock
  • olive oil
  • paminta
  • asin
  • tinadtad na parsley, para palamuti
Paraan
  1. Sa isang kaserola, lutuin hanggang maging kulay brown ang pork hock , dagdagan ng tubig at ang pork stock, pakuluin.  Tanggalin ang nakalutang na dumi at hayaang kumulo sa loob ng 45 minuto o hanggang malambot na ang pork hock.
  2. Sa food processor, ilagay ang sangkap ng sofrito at i-process ito hanggang maging parang paste ang texture, dagdagan ng olive oil kung kinakailangan.
  3. Sa sauce, ilagay ang mantika at igisa ang sofrito sa katamtamang init ng apoy sa loob ng 3-5 minuto o hanggang bumango ang amoy nito.  Ibuhos sa kaserola ng nilulutong pork hock at ihalo ang tomato paste, pakuluin at hayaang kumulo sa loob ng 20 minuto.  Dagdagan ng tubig kung kinakailangan.
  4. Idagdag ang butternut at ituloy ang pagpapakulo sa loob ng 20 minuto.
  5. Idagdag ang  chick peas at capsicum at hayaang kumulo sa karagdagang 5 minuto.
  6. Lasahan ng asin at paminta at ilagay ang tinadtad ng pasrley.

Para sa iba pang recipes, puntahan lamang ang http://www.angsarap.net