Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Chinese Beef and Tomatoes

Sangkap

Marinade

  • 2 kutsarang soy sauce
  • 2 kutsarang Chinese cooking wine
  • 1 kutsarang cornflour
  • 1/2 kutsaritang baking powder
  • asin

Sauce

  • 4 kutusarang tomato ketchup
  • 1 kutsarang tomato paste
  • 1 kutsarang soy sauce
  • 1 kutsarang white vinegar
  • 1/2 tasang beef stock
  • 1 kutsaritang sesame oil
  • 1 kutsarang asukal
  • asin

Stir Fry

  • 600g beef steak (malambot na parte ng baka), hiwang manipis
  • 1 green capsicum (bell pepper), hiwaing pa-cubes
  • 2 kamatis, hiwain ng pa-wedge o pahaba
  • 4 piraso ng bawang, pitpitin at tadtarin
  • 2 shallots o sibuyas na maliit, hiwain
  • spring onions, hiwain
  • mantika
  • asin
Paraan
  1. Paghaluin ang lahat ng sangkap pang-marinade, ilagay ang baka at ito siguruhinbg naibabad ang lahat ng sangkap.  Hayaang sipsipin ng mga sangkap ang marinade at itabi sa loob ng 30 minuto.
  2. Ihalo ang lahat ng sangkap ng sauce at itabi.
  3. Ilagay ang wok sa mataas na temperatura ng apoy at isangkutsa ng mabilis ang karne  sa loob ng 3-4 na minuto.  Kung maliit ang wok, hatiin sa dalawang batch  ang beef na isa-sangkutsa para hindi siksikan.  Hanguin mula sa wok at itabi.
  4. Igisa ang bwang at shallot.
  5. Idagdag at igisa ang bell pepper sa loob ng 1 minuto.
  6. Ibuhos ang pinaghalong sauce at kamatis at pakuluin.
  7. Kapag nag-umpisang lumapot ang sauce, ilagay ang nalutong beef at spring onion, paghaluing mabuti.  Lasahan ng asin at paminta,  maaaring dagdagan ng tamis ayon sa panlasa.

Para sa iba pang recipes, puntahan lamang ang http://www.angsarap.net